top of page
BULGARY - JULIA, ‘DI TOTOONG BUNTIS, BALIK-SERYE-IG _montesjulia08.jpg

Bill shock sa kuryente, katamaran o kapabayaan ng Meralco?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | May 11, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Nagpaparamdam naman ngayon ang krisis sa suplay ng elektrisidad.

Nakapokus ang debate sa electricity bill.


----$$$--


Nakasentro ang problema sa Metro Manila dahil sa masalimuot na  reglamento.

Nakatuon dito kung ano ang tamang singil, alin ang maayos na panukat, at kung nasusunod ba ng direktiba ang umiiral na batas.


------$$$--


Sa datos ngayong 2026, mahigit 60% ng kuryente mula sa Meralco ay nagmumula sa Natural Gas at 20-25% naman sa Coal, kung saan ang halos 99% ng mga kontratang ito ay dollar-denominated. 

Iyan mismo!


-----$$$--


Dahil dolyar ang pambayad sa mga panggatong na ito, ang bawat paghina ng piso laban sa dolyar ay direktang "pasaload" sa bill ng mga consumer.

Aray ko pooo!


-----$$$--


Kabalintunaan ito sa ibang mga probinsya na mas nakasandal ang kanilang supply sa renewable energy gaya ng hydro at geothermal.

Dahil d’yan, hindi ito apektado ng pabagu-bagong palitan ng piso.


-----$$$--


Aabot sa 10% pa lamang ang renewable energy supply ng Meralco.

Hindi nila ito magawang maitaas nang mabilisan dahil sa mga locked in na Power Supply Agreements (PSAs). 


-----$$$--


Ang mga kontratang ito sa mga planta ng coal at gas ay tumatagal ng 15 hanggang 25 taon.

Dahil d’yan, ang mga consumer ay mananatiling "bihag" ng presyo sa world market.


----$$$--


Ayon kay Bayan Muna Chairman Neri Colmenares, mayroong kapangyarihan ang Meralco na i-renegotiate ang kanilang mga kontrata para hindi tinatamaan ng "bill shock" tuwing humihina ang piso kontra-dolyar.

Pero hindi ito ginagawa, sa halip ay mas nais na ipasa sa mga consumer ang  kalbaryo.


-----$$$--


Isa pang sentro ng usapin ay ang tinatawag na "sweetheart deals."

Sa ilalim ng EPIRA Law, nakasentro ito sa kompetisyon. 


-----$$$--


Pero nakasentro ang  isyu sa mga Power Supply Agreements (PSAs) nito sa mga kumpanyang "affiliated" o pagmamay-ari rin ng parehong mother company. 

Tinukoy dito ang San Buenaventura Power (455 MW) at MTerra Solar (850 MW).


----$$$--


Bagaman mayroong Competitive Selection Process (CSP), kinuwestiyon ang integridad nito.

Kapag ang isang DU ay bumibili mula sa sarili nitong planta, nawawala ang pressure na i-renegotiate  para sa kapakanan ng publiko.


-----$$$--


Hindi na uubra ang depensa  na "market forces."

Puwede naman kasi na sa pamamagitan ng negosasyon para sa fixed-price contracts at pag-iwas sa mahal na diesel plants.


-----$$$--


Ang bulto o laki ng operasyon ng Meralco ay hindi ginagamit para sa "bargaining power" pabor sa konsyumer.

Bagkus, hinahayaan na makopo ang mas mapalaki ang volume ng kita ng mga affiliated suppliers.


-----$$$--


Kapwa bigo ang Energy Regulatory Commission (ERC) at Department of Energy (DOE) na protektahan ang publiko.


Kung napatunayan ng ibang mga probinsya na posible ang mas murang kuryente, bakit hinahayaan ang Meralco na manatiling nakasandal sa mga "market-driven" at "dollar-denominated" na mga kasunduan? 


----$$$--


Panahon na para sa isang malawakang audit ng lahat ng PSAs.


Dapat ding ideklara na ilegal ang mga "sweetheart deals" na sumasakal sa mga consumers.




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page