top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bill of attainder, ipinagbabawal sa Pilipinas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 11, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Sa dami ng mga problemang kinakaharap ng ating lipunan, lalo na sa usapin ng mga kriminal, sa halip na dumaan sa proseso ng hukuman, hindi po ba maaaring sa pamamagitan na lamang ng batas o pagsasabatas ang pagpataw ng parusa o kasalanan?


— Visam





Dear Visam, 


Para sa iyong kaalaman, nakasaad sa Artikulo III, Seksyon 22 ng ating Saligang Batas ang sumusunod:


Section 22. No ex post facto law or bill of attainder shall be enacted.


Hinggil sa nabanggit, ipinaliwanag ng Korte Suprema sa kasong Montenegro vs. Castañeda (G.R. No. L-4221, ika-30 ng Agosto 1952, isinulat ni Kagalang-galang na Punong Mahistrado César Bengzon), ang kahulugan ng bill of attainder: 


A bill of attainder is a legislative act which inflicts punishment without judicial trial.” 


Sa mas kamakailan na kasong Fuertes vs. Senate of Philippines (G.R. No. 208162, ika-07 ng Enero 2020, isinulat ni Kgg. Kasamahang Mahistrado Marvic M.V.F. Leonen), ibinahagi ng Korte Suprema ang historya at kasalukuyang kahulugan ng bill of attainder:


In modern times, a bill of attainder is generally understood as a legislative act which inflicts punishment on individuals or members of a particular group without a judicial trial. A bill of attainder encroaches on the courts' power to determine the guilt or innocence of the accused and to impose the corresponding penalty, violating the doctrine of separation of powers.


For a law to be considered a bill of attainder, it must be shown to contain all of the following: "a specification of certain individuals or a group of individuals, the imposition of a punishment, penal or otherwise, and the lack of judicial trial." The most essential of these elements is the complete exclusion of the courts from the determination of guilt and imposable penalty. Indeed, it is only when a statute applies either to named individuals or to easily ascertainable members of a group in such a way as to inflict punishment on them without a judicial trial does it become a bill of attainder.” 


Samakatuwid, kahit na mabigat at marami ang suliraning kinakaharap ng ating lipunan, lalo na sa usapin ng kriminalidad, hindi pa rin maaaring sa pamamagitan lamang ng batas ay agad nang ideklara na may kasalanan ang isang tao o grupo, at patawan sila ng parusa nang hindi dumaraan sa paglilitis. Alinsunod sa mga nabanggit, ipinagbabawal ng ating Saligang Batas ang tinatawag na bill of attainder, sapagkat ito ay isang batas na nagpaparusa sa partikular na tao o grupo nang walang paglilitis sa hukuman (judicial trial).


Gaano man kabigat ang pangangailangan na sugpuin ang kriminalidad, hindi maaaring isantabi ang karapatan ng sinuman na marinig, makapagpaliwanag, makapaghain ng ebidensya, at mahatulan lamang matapos ang makatarungang paglilitis. Ang pagbabawal sa bill of attainder ay nagsisilbing panangga ng mga mamamayan laban sa padalos-dalos na pagpaparusa, at paalala na sa ilalim ng ating Saligang Batas, ang katarungan ay hindi lamang nakabatay sa layuning maparusahan ang nagkasala, kundi sa katiyakang ang pagpaparusa ay dumaan sa wastong proseso ng batas.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


1 Comment


Online Bitlife
Online Bitlife
a day ago

This article offers a clear reminder of why due process and judicial trials are essential in protecting everyone's rights under the law. After reading informative pieces like this, I usually relax with bitlife which is a life simulation game where every decision leads to different consequences, making each life story unique while showing how choices can shape the future.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page