Bilang Senate President... Sotto out, Legarda in
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
by Mylene Alfonso @News | February 5, 2026

File Photo: Vicente Tito Sotto III / FB
Lumutang ang posibilidad na term-sharing agreement sa pagitan nina Senate President Vicente "Tito" Sotto III at Sen. Loren Legarda sa gitna ng ugong na kudeta sa Senado.
Napag-usapan ang term-sharing agreement sa isang lounge talk sa Senado na dinaluhan ng siyam na miyembro ng Majority bloc, kabilang sina Sotto at Legarda.
Sa larawang ipinost sa Meta (dating Facebook) ni Senador Francis "Kiko" Pangilinan, makikita siya kasama si Sen. Legarda na nakaupo sa tabi ni SP Sotto, gayundin sina Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson, Majority Leader Juan Miguel Zubiri, at sina Senators JV Ejercito, Sherwin Gatchalian, Risa Hontiveros, at Bam Aquino.
Ang nasabing larawan ay may hashtag na #PowerSharing.
“May usapan ng term-sharing between [Sen. Pres. Tito] Sotto and [Senator) Loren [Legarda]...” wika ni Ejercito sa mga mamamahayag hinggil sa pulong.
“Parang 'yun ang usapan kanina eh. Ganun lang, lounge talk. Para daw all’s well that ends well na at least maganda, walang away, term-sharing kung sakali. Lounge talk naman 'yun. Nothing formal,” ayon pa kay Ejercito.
Para naman kay Sotto, “Nagbibiro lang siya. Ibig sabihin niya siguro ‘yung group ng majority.” “Hindi. Wala, katuwaan lang namin”.
Bagama't kinumpirma naman ni Sotto ang term sharing sa pagitan nila ni Legarda. "We plan to make her SP before 20th Congress ends," ayon kay Sotto sa isang Viber message.
Samantala, tinawag ni Zubiri si Legarda na “Madam President” nang siya ang manguna sa sesyon bago mag-adjourn ang Senado kahapon. Sinabi ni Legarda na siya lamang ang nagsilbing presiding officer.
Binanggit din ni Zubiri na maaaring maging “future president” ng Senado si Legarda.
“All’s well that ends well. The group is more solid than ever,” saad ni Zubiri.
Nang tanungin tungkol sa umano’y power sharing, tugon ni Zubiri, “in the near future.”
Dagdag ni Zubiri na sila ay “all one big and happy family” nang tanungin kung may pagtatangkang baguhin ang liderato.








Comments