top of page
Search

by Mylene Alfonso @News | February 5, 2026



VIcente Tito Sotto at Loren Legarda - FB TIto Sotto

File Photo: Vicente Tito Sotto III / FB



Lumutang ang posibilidad na term-sharing agreement sa pagitan nina Senate President Vicente "Tito" Sotto III at Sen. Loren Legarda sa gitna ng ugong na kudeta sa Senado. 


Napag-usapan ang term-sharing agreement sa isang lounge talk sa Senado na dinaluhan ng siyam na miyembro ng Majority bloc, kabilang sina Sotto at Legarda. 


Sa larawang ipinost sa Meta (dating Facebook) ni Senador Francis "Kiko" Pangilinan, makikita siya kasama si Sen. Legarda na nakaupo sa tabi ni SP Sotto, gayundin sina Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson, Majority Leader Juan Miguel Zubiri, at sina Senators JV Ejercito, Sherwin Gatchalian, Risa Hontiveros, at Bam Aquino. 

Ang nasabing larawan ay may hashtag na #PowerSharing


“May usapan ng term-sharing between [Sen. Pres. Tito] Sotto and [Senator) Loren [Legarda]...” wika ni Ejercito sa mga mamamahayag hinggil sa pulong. 


“Parang 'yun ang usapan kanina eh. Ganun lang, lounge talk. Para daw all’s well that ends well na at least maganda,  walang away, term-sharing kung sakali. Lounge talk naman 'yun. Nothing formal,” ayon pa kay Ejercito. 


Para naman kay Sotto, “Nagbibiro lang siya. Ibig sabihin niya siguro ‘yung group ng majority.” “Hindi. Wala, katuwaan lang namin”


Bagama't kinumpirma naman ni Sotto ang term sharing sa pagitan nila ni Legarda. "We plan to make her SP before 20th Congress ends," ayon kay Sotto sa isang Viber message.

Samantala, tinawag ni Zubiri si Legarda na “Madam President” nang siya ang manguna sa sesyon bago mag-adjourn ang Senado kahapon. Sinabi ni Legarda na siya lamang ang nagsilbing presiding officer. 


Binanggit din ni Zubiri na maaaring maging “future president” ng Senado si Legarda. 

“All’s well that ends well. The group is more solid than ever,” saad ni Zubiri.


Nang tanungin tungkol sa umano’y power sharing, tugon ni Zubiri, “in the near future.” 

Dagdag ni Zubiri na sila ay “all one big and happy family” nang tanungin kung may pagtatangkang baguhin ang liderato.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | January 31, 2026



VIcente Tito Sotto / FB

File Photo: VIcente Tito Sotto / FB



Dismayado si Senate President Vicente “Tito” Sotto hinggil sa desisyon ng Supreme Court na tuluyang ipawalambisa ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. 


Una rito, nagdesisyon ang SC na “with finality” sa pagbabasura ng apelang motion for reconsideration ng House of Representatives kaugnay sa nasabing reklamo.


Ayon kay Sotto, malungkot na araw ang nabanggit na pangyayari para sa Constitutional Law, mga propesor, at mag-aaral ng abogasya. 


“The Constitution had just been amended unconstitutionally through Supreme Court overreach. It will take decades of retirements to correct this misinterpretation. When the law is clear, there is nothing to interpret, as any first year law student knows,” aniya.


Binigyang-diin ni Sotto na malinaw na judicial legislation ang naging desisyon ng Kataas-taasang Hukuman at tahasang paglalatag ng pangangailangan ng isang panuntunang dapat sundin ng Kongreso sa pagsasagawa ng impeachment. 

Panghihimasok umano ito sa kapangyarihan ng Legislative branch, alinsunod na rin sa Konstitusyon. 


Sa kasalukuyan, isa na aniyang pangarap na lamang ang impeachment. 

Kasabay nito, sinabi ni Sotto na handa siyang suportahan ang anumang plano na baguhin ang 1987 Constitution, kung kinakailangan.

 
 

by Info @News | January 30, 2026



TIto Sotto

Photo: FB / Vicente TIto Sotto



Iginiit ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na susuportahan niya kung sakaling mayroong hakbang para amyendahan ang Konstitusyon matapos ang naging desisyon ng Korte Suprema sa articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.


Aniya, “Ako ayoko ng Con-con (Constitutional Convention), ayoko ng Constituent Assembly pero kapag ganyan ang usapan, eh payag na ako.”


Paliwanag pa niya, “Para nilang binago ‘yung mode ng pag-i-impeach. Mas mahirap, mas humirap na ngayon.”


Dagdag pa niya, “Yung option three na tinatawag nilang option two na one-third signatures lang forward na kaagad? Kaya nilagay ‘yan para sa isang official [o] impeachable officer na hindi ginagawa ang trabaho niya o merong maling ginagawa sa trabaho niya [na] nakakaperwisyo sa bansa—puwedeng madaling alisin. Hindi pwedeng magtagal. Kaya nilagay ‘yan doon.”


“Eh bakit natin pahihirapan ngayon katulad ng ginawa ngayon [na] humihirap na,” saad pa nito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page