top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | February 25, 2022


ree

Nagpahayag na ng buong suporta si Pangulong Rodrigo Duterte sa senatorial comeback ni former three-term Senator Loren Legarda, na tumatakbo sa ilalim ng UniTeam Alliance.


“I give my endorsement and full support to former Senator Loren Legarda as she runs for senator in the 2022 National Elections. Even before she entered politics, former Senator Legarda has shown great involvement in public service,” ani Duterte sa isang video clip na ibinahagi ni Legarda sa kanyang social media page.


“When she became senator, she was able to help many more Filipinos through her advocacies. Now that she’s running for senator again, I hope you will consider her in your list. I believe Loren deserves to be back in the senate.”


Sa isang pahayag, pinasalamatan ni Legarda ang punong ehekutibo sa suporta, tiwala, at pagpapahalaga nito sa kanyang serbisyo publiko.


“Daghang salamat President Rodrigo Roa Duterte sa inyong tiwala at pagpapahalaga sa aking serbisyo publiko. I wish you continued good health and success,” pahayag ng Antique lone district representative.


Kabilang sa mga plataporma ni Legarda ay ang kanyang long-time advocacies sa environmental protection at climate change adaption; employment at livelihood creation; health; education; at marami pang iba.


Si Legarda ay kabilang din sa top picks sa pagka-senador base sa latest 2022 election surveys.


Bukod kay Legarda, inendorso rin ng pangulo sina former Senator JV Ejercito, former presidential spokesperson at chief legal counsel Salvador Panelo, at former presidential adviser Greco Belgica.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 22, 2021



ree

Nanawagan ang human rights at environmental group sa pamahalaan hinggil sa lumalaganap na climate crisis at COVID-19 pandemic, kasabay ng paggunita sa Earth Day 2021 sa ginanap na Pandesal forum kaninang umaga, Abril 22, sa Kamuning Bakery sa pangunguna nina Deputy Speaker Loren Legarda at Greenpeace Southeast Asia Executive Director Yeb Saño.


Ayon kay Saño, “The pandemic has shown us how much crises are making already challenging situations even worse for our communities already suffering food insecurity, dwindling livelihoods, and other impacts of the climate emergency. “


Dagdag pa niya, “An immediate and strong resolution from the CHR on the climate and human rights petition would provide a strong rallying point to protect humanity from further climate-destructive activities by entities that put profit over people and the planet. This will be the Filipino people’s legacy to the rest of the world.”


Paglilinaw naman ni Legarda, hindi na makababalik sa normal ang ‘Pinas, bagkus ay dapat pa iyon mahigitan upang maging ‘best normal’ sa pagtatapos ng pandemya.


Aniya, “No. We have to go back to the best normal. Mindful, consumption… This is a better normal.”


Ibinida rin ni Legarda ang mga likas na yaman sa bansa at iginiit niyang kulang lamang sa maayos na pag-i-implement ang pamahalaan upang magamit at mapangalagaan ang mga iyon. Nanawagan din siya para sa sapat na pondo at suporta mula sa gobyerno.


Batay pa sa datos ng Greenpeace, tinatayang 129 bilyong disposable face masks ang nakokolekta sa buong mundo kada buwan, kaya inirekomenda nila ang paggamit ng reusable face masks at personal protective equipment (PPE) upang mabawasan ang mga basurang nagko-contribute ng polusyon sa mundo.


Samantala, matatandaan ding nag-abiso ang Japan hinggil sa pagpapakawala nila ng mga tubig sa Fukushima nuclear plant na nagdulot ng agam-agam sa mga kritiko. Gayunman, nilinaw ni Legarda na ang gagawin ng Japan ay may basehan at nakatitiyak siyang pinag-aralan iyong mabuti ng mga eksperto.


Sa ngayon ay nakikiisa ang ‘Pinas sa pagdiriwang ng Earth Day 2021 at umaasa ang bansa sa pagkakaisa ng mga mamamayan upang mapangalagaan ang kalikasan.



ree


 
 
RECOMMENDED
bottom of page