Bida sa T-Bird at Ako… VILMA, APRUB KINA KATHRYN AT NADINE PARA SA REMAKE NG MOVIE NILA NI NORA
ni Beth Gelena @Bulgary | January 8, 2024

Approved kay Vilma Santos na gawin nina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre ang T-Bird at Ako na pinagbidahan nila noon ni Superstar Nora Aunor.
Ayon sa veteran actress, naka-full support siya sa idea casting ng dalawang aktres.
Ang T-Bird at Ako ay ginawa ng Star for All Seasons at ng Superstar nu’ng year 1982.
Meaning, apat na dekada na ang nakalilipas kung saan ang nagdirehe ay ang mahusay na director na si late Danny Zialcita.
Ang tanong, sino kaya ang gaganap na dancer na role noon ni Ate Vi at atorni na dedepensa bilang tagapagtanggol sa korte na role naman ni Ate Guy noon?
Sa isang panayam kay Ate Vi, natanong siya kung sino ang napipili niyang gumanap sa new version ng iconic movie nila ni Ate Guy. Agad na lumabas sa bibig ng Star for All Seasons ang name ni Kathryn.
May mga fans naman na gusto ay gumawa ng project sina Kath at Nadine. Gusto rin naman daw ni Nadine na makatrabaho si Kath.
"Oh, heaven 'yan! Heaven ang team na 'yan, parehong magaling! That's a good pair," wika ni Vilma.
Naibulgar naman ng Star for All Seasons na nakatanggap siya ng script para sa muli nilang pagsasamahan ng Superstar after ng ilang dekada na nagsama sila sa T-Bird at Ako.





Comments