BF, nilait… JERALD, TINAWAG NA PANGET AT MUKHANG BASURERO, KIM PUMALAG
- BULGAR
- May 15, 2021
- 1 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | May 15, 2021

Hindi nagustuhan ni Kim Molina ang panlalait ng isang netizen sa boyfriend niyang si Jerald Napoles na sinabihan ng ‘panget.’
Nag-post kasi si Kim ng lumang poster ng pelikulang Ang Pangarap Kong Holdap kung saan isa sa mga bida ang boyfriend niya sa kasalukuyang napapanood sa Netflix.
Ang caption ng singer/comedienne, “ACTION FIGURE NA JOWA KO! Ito na babalian ko 'pag galit ako sa 'yo Jerald!!! LOL jk!”
Maraming nagkagusto sa caption niya, pero may naligaw na natizen na nagsabing, "Panget ang putcha! Mukhang basurero, hahaha!"
To the rescue ang palabang girlfriend ni Jerald, “May problema ka sa mga basurero?
“Walang masama sa marangal na trabaho ng mga 'yun. May problema ka sa maitim? Wala ring masama sa kung anumang kulay ng tao. Pangit? Gwapo ka? Asking lang.”
Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala kaming nabasang sagot ng netizen sa sunud-sunod na tanong ni Kim.
Samantala, tawang-tawa kami sa teaser ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam na balik-tambalan ng magdyowang Kim at Jerald (nauna ang Jowable) na umabot na sa 10M views in less than a day kaya naman tuwang-tuwa ang buong team dahil ang ganda ng response ng tao.
Anyway, dramedy movie ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam na handog ng Viva Films, isinulat at idinirek ni Darryl Yap at mapapanood na sa June 11 ang worldwide premiere nito sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, SKY PPV, Cignal PPV at sa Vivamax.
Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net.




Comments