BF NI KC, BINANTAAN NI SHARON
ni Beth Gelena @Bulgary | October 31, 2023

Binigyan ng warning ni Sharon Cuneta ang boyfriend ng anak na si KC Concepcion na si Michael Wuethrich sa nakaraang Dear Heart concert nila ni Gabby Concepcion.
Habang nasa stage, sabi ni Megastar kay Mike na nasa audience, alagaan nitong mabuti ang anak nila ni Gabby or else…
Hirit ni Sharon, "Michael, dalawang Panday ang nandito, sina Senator Bong (Revilla) at Coco (Martin)."
Present kasi pareho ang dalawang aktor na nabanggit sa naturang Dear Heart concert.
Nagtawanan ang audience sa sinabi ng Megastar.
Ayon naman sa ama ni KC na si Gabby, “Mike is a good man,” after he was able to know the attitude of his daughter’s boyfriend.
Um-agree naman si Sharon dahil nakasama na rin daw nila sa isang dinner si Mike. Nakita raw niya ang kabaitan nito.
Oh, at least, naipakilala na rin pala finally ni KC sa kanyang family sa mom’s side ang kanyang boyfriend.
Ang tanong na lang talaga ngayon ay kung kelan na nga kaya magaganap ang inaabangang engagement ni KC.
Hala, ‘di kaya ma-pressure si Mike? Hehe!





Comments