top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

BF, miss na miss, 'di natiis… JULIA, IMBES SA PAMILYA, KAY GERALD UMUWI AFTER NG TAPING

BULGAR
Jun 16, 2021
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | June 16, 2021




May nabasa kaming tanong ng netizen na mas inuna pa raw uwian ni Julia Barretto ang boyfriend niyang si Gerald Anderson pagkatapos ng locked-in taping kaysa sa pamilya niya, lalo’t nagtapos ng senior high ang nag-iisa nitong kapatid na lalaki na si Leon Barretto nitong Linggo.


Nakita kasi ng netizen na pagkatapos ng locked-in taping ni Julia ng kanyang teleserye na mapapanood sa TV5 ay dumiretso ang aktres sa aktor kung saan umarkila ng yate si Gerald at doon ipinaghanda ng seafood ang GF kasama ang mga kaibigan niya.


Nakita namin sa post ng mga supporters nina Julia at Gerald na @juralds.officialfanpage nitong Lunes nang gabi ang video na nasa isang yate ang aktres at kumaway pa sa kumukuha ng video at ipinakita ang masasarap na pagkain na inihanda ng aktor para sa nobya.


Ang caption ng @juralds.officialfanpage, “E, ‘yung magkasama na sila ngaun. Reunited late dinner! #geraldanderson #juliabarretto"


“Sexy baby welcome back!"


Sabi pa ng @juralds.officialfanpage, “Ge: baby, ‘yung pinagsisilbihan niya c julia iba rin siya!” #geraldanderson #juliabarretto


Nag-post din si Marvin Expedido ng Subic Fishing and Yacht Charter, ang yateng sinakyan nina Gerald at Julia, saka nagpa-picture sa dalawa.



Ipinost din ng @jurald.officialfanpage, “My Favorite place in the world is next to you. #BabyLove."


Baka naman nagpaalam si Julia sa pamilya niya na sasaglit muna sa resort ni Gerald since malapit lang ang location ng locked-in taping niya sa Subic, Zambales.


Saka, 'di ba, nag-post kamakailan ang aktor ng larawan niyang nakaupo at may caption na, “I'm just here @hayatiprivateresort.”


Ibig sabihin, hinihintay niya ang katipan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page