BEA, SUOT PA RIN ANG ENGAGEMENT RING NILA NI DOMINIC
- BULGAR
- Mar 11, 2024
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | March 11, 2024

Patuloy na naba-bash si Bea Alonzo dahil sa paglabas ng publicity material ng business ng aktres na Bash Manila at ng TVC ng Cetaphil kung saan suot ni Bea ang engagement ring na galing kay Dominic Roque.
May mga nag-akalang nagkabalikan na sila ni Dominic, lalo na at ni-like ng aktor ang post na ito ni Bea.
Kaya lang, may nag-comment na late post daw ang photo at pati TVC na kinunan noong magkarelasyon pa sina Bea at Dominic, bagay na ikinagalit ng mga natuwa na sana at umasang nagkabalikan ang dalawa.
Dapat daw, hindi na ipino-post ni Bea ang mga photos na may suot pa siyang engagement ring para hindi umaasa ang BeaDom fans. Binibigyan lang daw nito ng false hope ang mga fans na pagkatapos paasahin ay biglang ilalaglag.
May naniniwala tuloy at nagbunga pa ito ng isyu kay Bea para pag-usapan ang Bash Manila at para ma-promote ang Cetaphil.
Puwede naman daw mag-photo shoot uli at mag-TVC shoot nang wala siyang suot na engagement ring para hindi malito ang mga tao kung nagkabalikan ba sila o hindi.
Hindi yata alam ng karamihan na time consuming at magastos ang photo shoot at TVC shoot para ulitin, dahil lang sa suot na engagement ring ni Bea. Mas mabuting saka na maniwalang nagkabalikan sila ni Dominic kung sila na ang mag-a-announce.
Sa ngayon, kani-kanya muna sila at sa nakikita natin, masaya sila sa piling ng kanilang pamilya at mga kaibigan.
Tuloy din ang kanilang trabaho. Si Bea, nagte-taping ng Widows’ War ng GMA-7, at si Dominic, may mga endorsements na dumarating.





Comments