Search
  • BULGAR

Bawal magsanla ng bahay at lupa kung wala pang titulo

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | February 24, 2021



Dear Chief Acosta,


Maaari bang maisanla ng tao ang bahay at lupa kahit pa man hindi sa kanya nakapangalan ang titulo nito sa kadahilanan na hindi naman siya ang may pagmamay-ari? – Librada


Dear Librada,


Ang sagot sa inyong katanungan ay hindi po. Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Article 2085 ng Republic Act No. 386, o mas kilala sa tawag na Civil Code of the Philippines, ang mga essential requisites para maging wasto at balido ang pagsasanla ng bahay at lupa, viz:


CHAPTER 1
Provisions Common to Pledge and Mortgage
Article 2085. The following requisites are essential to the contracts of pledge and mortgage:
(1) That they be constituted to secure the fulfillment of a principal obligation;
(2) That the pledgor or mortgagor be the absolute owner of the thing pledged or mortgaged;
(3) That the persons constituting the pledge or mortgage have the free disposal of their property, and in the absence thereof, that they be legally authorized for the purpose.
Third persons who are not parties to the principal obligation may secure the latter by pledging or mortgaging their own property. (Binigyang-diin)

Ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, malinaw na ang ownership o pagmamay-ari ay isa sa mga requisites ng may bisa na real estate mortgage o pagsanla. Kaugnay nito, kapag ang impostor o hindi nagmamay-ari ang nagsanla ng bahay at lupa, gamit ang nasabing batas, ito ay kinokonsiderang void o walang bisa.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinion kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sumangguni sa isang abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.