Bawal ampunin ang anak ng asawa kung walang pahintulot mula sa isa pang magulang nito

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 9, 2020
Dear Chief Acosta,
Nais kong legal na ampunin ang anak ng aking asawa. Gayunman, tumanggi ang ama ng nasabing bata na magbigay ng pahintulot para sa pag-aampon dahil sa pagkamuhi niya sa akin. Maaari ko bang ampunin ang anak ng aking asawa nang walang pahintulot ang ama ng bata? – Dolpi
Dear Dolpi,
Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Section 9, Article V, ng Republic Act No. 8552 o mas kilala sa tawag na “Domestic Adoption Act of 1998”, kung saan nakasaad na:
“Sec. 9. Whose Consent is Necessary to the Adoption. – After being properly counseled and informed of his/her right to give or withhold his/her approval of the adoption, the written consent to the adoption is hereby required:
a. The adoptee, if ten (10) years of age or over;
b. The biological parent(s) of the child, if known, or the legal guardian, of the proper government instrumentality which has legal custody of the child;
c. The legitimate and adopted sons/daughters, ten (10) years of age or over, of the adopters and adoptee, if any;
d. The legitimate sons/daughters, ten (10) years of age or over, of the adopter if living with the said adopter and the latter’s spouse, if any; and
e. The spouse, if any, of the person adopting or be adopted.” (Binigyang-diin)Nakasaad sa nabanggit na batas na ang nakasulat na pahintulot ng mga biological na magulang ay kinakailangan sa pag-aampon. Samakatwid, hindi ninyo maaaring ampunin ang anak ng inyong asawa nang walang nakasulat na pahintulot mula sa kanyang ama.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments