Batas sa limitasyon ng pasahero at kargamento sa sasakyan
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | April 1, 2026

Dear Chief Acosta,
Kapag nagmamaneho ako sa kalsada ay madalas ko po napapansin ang nakasulat sa mga pampublikong sasakyan at trucks na tungkol sa bilang at timbang ng mga maaari nilang isakay sa kanilang sasakyan. May batas ba patungkol sa limitasyon ng dami at bigat ng mga tao o bagay na ikakarga o isasakay sa mga sasakyan? Maraming salamat po.
— Abegail Ramos
Dear Abegail Ramos,
Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 32 at 33 ng Republic Act (R.A.) No. 4136, o tinatawag na "Land Transportation and Traffic Code," na nagsaad na:
“Section 32. Exceeding registered capacity. - No person operating any vehicle shall allow more passenger or more freight or cargo in his vehicle than its registered carrying capacity.
Section 33. Passenger or freight capacity marked on vehicle. - All automobiles for hire shall have the registered passenger capacity plainly and conspicuously marked on both sides thereof, in letters and numerals not less than five centimeters in height.
All motor trucks, whether for passenger or freight, private, or for hire, shall have the registered passenger gross and net weight capacities plainly and conspicuously marked on both sides thereof, in letters and numerals not less than five centimeters in height.”
Bilang kasagutan sa iyong katanungan at ayon na rin sa nabanggit na probisyon ng batas, inaatasan na ang lahat ng sasakyan na maaaring arkilahin ay dapat may malinaw at kitang-kitang marka ng rehistradong kapasidad ng pasahero sa magkabilang gilid nito, gamit ang mga letra at numerong hindi bababa sa limang sentimetro ang taas. Karagdagan dito, ang lahat ng mga motor trucks, maging para sa pasahero o kargamento, pribado man o paupahan, ay dapat may malinaw at kitang-kitang marka ng rehistradong kapasidad ng kabuuan at netong timbang ng pasahero sa magkabilang gilid nito, sa mga letra at numerong hindi bababa sa limang sentimetro ang taas.
Nais din namin ipaalam sa iyo na ang paglabag sa nasabing batas ay may karampatang parusa na nasasaad sa Seksyon 56 at Seksyon 57 nito.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.




Comments