top of page
WINNER - “GINAWA KO LANG ANG PARTE KO BILANG PILIPINO. MGA G_GO PALA KAYO D’YAN, EH!” - DA

Mga karapatan ng guro sa pampublikong paaralan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 1, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Isa akong mag-aaral sa high school at pangarap kong maging guro sa pampublikong paaralan. Ngunit nang malaman ito ng aking ina, sinubukan niya akong pigilan. Ayon sa kanya, napakahirap diumano ng trabaho ng isang pampublikong guro dahil nagtuturo sila nang mahigit walong oras bawat araw, bukod pa sa oras na ginugugol nila sa paghahanda ng kanilang mga aralin. Sinabi rin niya na may mga kilala siyang guro na inilipat mula sa isang paaralan patungo sa iba nang hindi man lamang sila pumayag. Totoo ba ito? Maraming salamat po. — Celine Ubina





Dear Celine Ubina,


Layunin ng ating pamahalaan ay mapabuti ang kalagayan at kondisyon sa trabaho ng mga guro sa pampublikong paaralan upang mahikayat at mapanatili ang mga kwalipikadong guro sa propesyon. Kaya naman, isinabatas ang Republic Act (R.A.) No. 4670, na kilala bilang “The Magna Carta for Public School Teachers.” Ayon sa Seksyon 6 at Seksyon 13 ng R.A. No. 4670:


“Section 6. Consent for Transfer Transportation Expenses. Except for cause and as herein otherwise provided, no teacher shall be transferred without his consent from one station to another.


Where the exigencies of the service require the transfer of a teacher from one station to another, such transfer may be effected by the school superintendent who shall previously notify the teacher concerned of the transfer and the reason or reasons therefor.”


“Section 13. Teaching Hours. Any teacher engaged in actual classroom instruction shall not be required to render more than six hours of actual classroom teaching a day, which shall be so scheduled as to give him time for the preparation and correction of exercises and other work incidental to his normal teaching duties: Provided, however, That where the exigencies of the service so require, any teacher may be required to render more than six hours but not exceeding eight hours of actual classroom teaching a day upon payment of additional compensation at the same rate as his regular remuneration plus at least twenty-five per cent of his basic pay.” (Emphasis supplied) 


Ang isang guro sa pampublikong paaralan ay hindi maaaring ilipat mula sa isang paaralan patungo sa iba nang wala ang kanyang pahintulot, maliban na lamang kung kinakailangan dahil sa pangangailangan ng serbisyo (exigency of service). Sa ganitong sitwasyon, dapat ipaalam ng schools superintendent sa guro ang kanyang paglipat at ang dahilan nito.


Bukod dito, nakasaad din sa batas na ang isang gurong aktuwal na nagtuturo sa silid-aralan ay hindi maaaring atasan na magturo nang higit sa anim na oras bawat araw. Gayunman, kung kinakailangan dahil sa pangangailangan ng serbisyo, maaari siyang atasan na magturo nang higit sa anim na oras ngunit hindi lalampas sa walong oras sa isang araw, basta't siya ay mababayaran ng karagdagang kompensasyon na katumbas ng kanyang regular na sahod para sa dagdag na oras, kasama ang hindi bababa sa 25% ng kanyang pangunahing sahod.


Upang sagutin ang iyong katanungan, may karapatan ang mga guro sa pampublikong paaralan na hindi mailipat sa ibang paaralan nang wala ang kanilang pahintulot, at hindi magturo nang higit sa anim na oras sa isang araw, maliban sa mga eksepsiyon na itinakda ng batas.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page