top of page

Batas na magtatanggol sa kababaihan laban sa mga manyakis!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 11, 2021
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 11, 2021



Dear Chief Acosta,


Mayroon akong lalaking kapitbahay na palaging nag-aabang sa aking pag-uwi. Noong una, akala ko ay nagkataon lamang ito, subalit makalipas ang dalawang buwan ay napansin kong imposibleng nagkataon lamang ito sapagkat talagang sa punto ng aking pagtungo sa aming gate buhat sa kalsada, anumang oras ng araw, siya ay lalabas na at tatayo sa harap nito at titingin ng pangisi sa akin. Sa pagkakataong iyon ay sisimulan niyang ipasok ang kanyang kamay sa loob ng kanyang pantalon o shorts at magpapalipas sa kanyang sarili na sadya niyang tinataon sa aking pagdating at sadya niyang ipinakikita sa akin. Hindi ako komportable sa kanyang ginagawa.


Tanging ako at aking mga senior citizens na magulang lamang ang nakatira sa aming bahay at ako lamang ang madalas na lumalabas sapagkat ako ay nagtatrabaho. Nangangamba ako sa kung ano ang maaari niyang gawin. Paano ko mapoproteksiyunan ang aking sarili? Sandra


Dear Sandra,


Mas makatutulong sa inyong sitwasyon ang kagyat na pag-ulat o pagre-report ng inyong kapitbahay sa inyong barangay at upang siya rin ay mamanmanan sa kanyang gawain na sanhi ng inyong suliranin. Ang kanyang pagpapalipas ng kanyang sarili na sinasadya niyang itaon sa inyong pagdating at ipakita sa inyo ay gawaing ipinagbabawal ng batas.


Ayon sa Section 4 ng Republic Act No. 11313, o mas kilala bilang Safe Spaces Act:


Section 4. Gender-Based Streets and Public Spaces Sexual Harassment. -The crimes of gender-based streets and public spaces sexual harassment are committed through any unwanted and uninvited sexual actions or remarks against any person regardless of the motive for committing such action or remarks.


Gender-based streets and public spaces sexual harassment includes catcalling, wolf-whistling, unwanted invitations, misogynistic, transphobic, homophobic and sexist slurs, persistent uninvited comments or gestures on a person’s appearance, relentless requests for personal details, statement of sexual comments and suggestions, public masturbation […]’”


(Binigyang-diin)


Samakatwid, maaaring makasuhan ang inyong kapitbahay sa paglabag ng R.A. No. 11313, at papanagutin siya ng pagbabayad ng multa o pagkakakulong, depende sa kung ilang ulit na niya ito ginawa at napatunayan. Pakatandaan lamang ninyo na mayroon lamang kayong takdang panahon magmula nang kanyang gawin sa inyo ang kanyang mga paglabag sa nasabing batas. Ang inyong desisyon sa kagyat na pag-uulat at pagrereklamo tungkol sa pangyayari ay higit na mahalaga sapagkat ayon sa Section 36 ng Safe Spaces Act:


“Section 36. Prescriptive Period.— Any action arising from the violation of any of the provisions of this Act shall prescribe as follows:


(a) Offenses committed under Section 11 (a) of this Act shall prescribe in one (1) year;

(b) Offenses committed under Section 11(b) of this Act shall prescribe in three (3) years […]”


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page