Batas laban sa Mail Order Spouse
- BULGAR

- 17 minutes ago
- 3 min read
ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 8, 2026

Dear Chief Acosta,
Mayroon akong kaibigan na nagsimula ng isang online na negosyo kung saan “nag-aalok” siya ng mga Filipina bride sa mga dayuhan. Ang ginagawa niya ay ina-upload niya online ang mga profile ng mga babaeng ito, at kapag may napiling babae ang isang dayuhan, personal niyang ipinakikilala ang dalawa sa isa’t isa kapalit ng bayad. Lumalabag ba sa batas ang aking kaibigan? Nais ko pong maliwanagan. Maraming salamat po. — Sherwin Adolfo
Dear Sherwin Adolfo,
Ang ating mga batas ay naglalayong pigilan ang mga gawaing nag-aalok o nagma-match ng mga Pilipino sa mga dayuhan para sa kasal o pakikipagsama kapalit ng pera o bayad. Layunin nitong protektahan ang mga Pilipino laban sa pagsasamantala at mga negosyong kumikita mula sa ganitong uri ng pagpapakilala. Mangyaring bigyang-pansin ang Sections 3 at 4 ng Republic Act (R.A.) No. 10906, na kilala bilang “Anti-Mail Order Spouse Act,” na nagsasaad na:
“Section 3. Prohibited Acts. - It shall be unlawful for any person, whether natural or juridical, to commit, directly or indirectly, any of the following acts:
(a) Engage in any business or scheme for money, profit, material, economic or other consideration which has for its purpose the matching or offering of a Filipino to a foreign national for marriage or common law partnership on a mail-order basis or through personal introduction, email, or websites on the internet;”
Batay sa nabanggit na batas, ipinagbabawal sa Section 3 ng R.A. No. 10906 ang sinumang tao o entity na magsagawa ng negosyo o pamamaraan para sa pera, tubo, o anumang konsiderasyon na naglalayong mag-match o mag-alok ng isang Pilipino sa isang dayuhan para sa kasal o common-law partnership, kabilang ang personal na pagpapakilala o paggamit ng email at mga website sa internet.
Ang sinumang mapatunayang nagkasala ay maaaring patawan ng 15 taong pagkakakulong at multang ₱500,000.00 hanggang ₱1,000,000.00. Ayon sa Section 4 ng batas na ito:
“Section 4. Penalties. - Any person found guilty by the court to have committed any of the prohibited acts provided under Section 3 of this Act shall suffer the penalty of imprisonment for fifteen (15) years and a fine of not less than five hundred thousand pesos (₱500,000.00) but not more than one million pesos (₱1,000,000.00).
Any person who shall abet or cooperate in the execution of the prohibited acts mentioned in Section 3 of this Act, by previous or simultaneous acts, shall suffer the same penalty provided in the preceding paragraph.
If the prohibited act is committed by a syndicate or committed on a large scale, the offender shall suffer the penalty of twenty (20) years imprisonment and a fine of not less than two million pesos (₱2,000,000.00) but not more than five million pesos (₱5,000,000.00).
The prohibited act is deemed committed by a syndicate if carried out by a group of three (3) or more persons conspiring or confederating with one another.
The prohibited act is deemed committed on a large scale if committed against three (3) or more persons, individually or as a group.”
Upang sagutin ang inyong katanungan, maaaring managot ang iyong kaibigan sa paglabag sa nasabing batas kung mapatutunayang ang kanyang negosyo ay pasok sa mga ipinagbabawal na gawain sa Section 3 ng R.A. No. 10906. Kung mapatunayang nagkasala sa korte, maaari siyang patawan ng pagkakakulong at multa na itinakda ng batas.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.





Comments