Basta kasama ang mga fans… ALDEN, TAUN-TAON, LIBRE ANG BAKASYON ABROAD
ni Nitz Miralles @Bida | March 2, 2024

Mahal ng kanyang mga fans si Alden Richards, lalo na ang grupo ng Aldenatics, kaya every year, nireregaluhan nila ng trip sa ibang bansa ang aktor para magbakasyon. This year, sa South Korea nila pinagbakasyon si Alden at siyempre, kasama ang iba sa kanila.
Sa mga nakita naming photos and videos, makikitang nag-enjoy si Alden sa three-day vacation niya with some of his loyal fans. Nagsuot pa siya ng costume ng South Korean actors sa mga K-drama at sumakay ng kabayo.
Natuwa naman ang mga members ng Aldenatics at nag-enjoy, dahil nakapagbakasyon si Alden kahit tatlong araw lang. Kinailangan kasing bumalik ng bansa ang aktor sapagkat guest siya sa BingoPlus Night 2024 na ginanap kahapon. Nakasama niya rito sina Piolo Pascual, Maine Mendoza at Vice Ganda.
Ngayon lang uli mapapanood sina Alden at Maine na magkasama sa isang event kaya agad namang ikinatuwa ng AlDub fandom.
Sa ngayon, balik-trabaho nga agad si Alden at balik-taping na rin siya para sa Pulang Araw na inaabangan na ng Kapuso fans.





Comments