Basta, happy daw siya… RUFFA, 'DI IDINENAY ANG RELASYON NILA NI HERBERT
ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 23, 2021

Matapos 'tumalak' ng isa sa It's Showtime's choosegados na si Ruffa Gutierrez sa admin ng Twitter account ni dating QC Mayor Herbert Bautista at bantaan itong tatanggalin sa trabaho dahil napahamak daw ang aktor-senatoriable sa huling tweet nito tungkol kay Kris Aquino, abangers much na ang mga Marites kung ano ba talaga ang real score sa dalawa.
Majority nga kasi ng comments sa naging tweet ni Ruffa ng pagsita niya sa admin ni Bistek ay nagsasabing may relasyon na sila ngayon ng dating ka-MU (M.U. raw talaga, oh? Sobrang pabebe ba, mga 'Day?) ni Krissy.
Sabi pa ng mga netizens, obyus na obyus naman kasi sa tweet ni Ruffa ang 'authority' nito sa paninita sa staff ng senatoriable.
Sa latest Instagram post ni Ruffa, hindi nito kinumpirma, pero hindi rin naman idinenay ang isyung may relasyon na sila ngayon ng dating Kyusi mayor.
Ang tanging caption lang ni Ruffa sa ipinost niyang picture niya sa kanyang IG account ay: "Social media has made us so eager to show and tell but there is BEAUTY in PRIVACY.
Everything isn’t meant to be on display. It’s perfectly fine not to overshare and to keep some things for you. I don’t need validation from strangers because I’m genuinely HAPPY."
'Kaaliw din ang pag-special mention nito sa mga 'kumare niyang Marites' na nag-aabang ng kanyang official statement tungkol sa kanila ni Bistek.
"Good morning everyone, especially sa lahat ng Maritess! See you on @itsshowtimena," part pa ng caption ni Ruffa.
Well, tama naman ang point ni Ruffa na hindi nga lahat ay kailangang i-share sa socmed.
But hmmm… mapanindigan kaya niya ang sinabing may mga bagay na dapat ay 'private' lang?
Kung tama kami sa pagkakakilala namin kay Ruffa, ala-Kris Aquino rin siya na hindi marunong magsinungaling dahil hindi siya plastic.
Teka ngaaa, hindi kaya 'kinausap' o 'napagsabihan' siya ni… alam n'yo na (blind item talaga?
Char!) kaya quiet muna ngayon si Ruffing at pa-secret din tungkol sa identity ng kung sinumang nagbibigay sa kanya ng 'genuine happiness'?
Ay, naku, parang mas gusto naming kausap ngayon si Tita Annabelle Rama… of course, the "ever updated" sa love life ni Ruffa, I'm sure, no holds barred si Tita A.
Hahahaha!





Comments