BARBIE KAY AJ: KUNG 'DI KA KABIT NI DIEGO, MAGSALITA KA!
- BULGAR
- Nov 30, 2021
- 4 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 30, 2021

Nangangamoy-away ngayon sa pagitan nina Barbie Imperial at AJ Raval dahil kay Diego Loyzaga.
Kung matatandaan, una na naming isinulat na ibinulgar ng social media influencer na si Christian Albert Gaza a.k.a. Xian Gaza sa kanyang Facebook account na nagkaroon diumano ng matinding away sa Escala Hotel sa Tagaytay last Nov. 1 sina Barbie at Diego.
Kasunod nito, may FB post din si Xian na tinatanong si Diego Loyzaga kung ano'ng ginagawa sa Pampanga at bakit pinuntahan si AJ Raval gayung naghihintay ang GF nitong si Barbie sa Maynila. (Note: After ilang days, deleted na ang post na ito sa FB page ni Xian.)
Pagkatapos lang ng ilang araw, nagsalita si Barbie at idinenay ang mga akusasyon ni Xian laban sa kanila ni Diego. Going strong pa rin daw ang relasyon nila at hindi totoong nagkaroon sila ng matinding away sa hotel na naging dahilan ng injury sa kamay ni Diego at pasa sa braso ni Barbie.
Pero after ilang days lang uli, heto na si Barbie at nagpainterbyu kay Tito Boy Abunda sa The Best Talk ng Cinema One’s YouTube channel nu'ng Nov. 28.
This time, ipinagtanggol ni Barbie si Diego sa 'cheating issue' pero si AJ Raval naman na nali-link sa BF niya ang hinamong magsalita.
Ayon sa tisay na aktres, “Pinili naming mas maging strong. Ang hirap kasi first time ko na 'yung lalaki na minahal ko, tinanggap ng mga tao.”
Paglilinaw din niya, 'yung kumalat na videos nina Diego at AJ sa Pampanga ay part ng ginawang movie ng dalawa titled Death of a Girlfriend.
Patuloy ni Barbie, “Kilala ko si Diego, Tito Boy. Kilala ko po siya na lahat ng ibinibintang sa kanya, na nambababae siya, na pinupuntahan niya si AJ Raval sa Pampanga, hindi totoo ‘yun.”
Imposible rin daw na magloko si Diego dahil that time na ginagawa nito at ni AJ ang movie nila, BF ng aktres si Axel Torres.
Kaya naman, si AJ na ang hinamong magsalita ni Barbie dahil tipong dedma lang daw ito at ine-enjoy ang pagkaka-link kay Diego.
“If wala kang kinalaman or alam mo naman na hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka. So for me, bakit parang gusto mo na nangyayari ‘to lahat, na nagka-thing kayo ni Diego?” diretsong hamon ni Barbie kay AJ.
May naging pahayag din si Barbie na, "And I heard, I have a proof na AJ and Xian Gaza are friends. She feeds him mga info ng mga tsismis."
Kaya naman, sinagot ito ni Xian Gaza by posting in his FB page ng, "Barbie Imperial fake news ka, Sis. Ginawa mo pang source si AJ Raval, hahaha! As a matter of fact, sobrang nagalit siya sa akin after ko i-post ang exposé pero sineenzone ko na lang para wala nang mahabang usapan pa. Pinili lang niya siguro manahimik ngayon dahil sobrang natuto na siya last time nu'ng tsinismis ko sila ni Aljur Abrenica. Bakit hindi si Diego Loyzaga ang magsalita sa publiko na hindi totoo ang mga sinasabi ko? Bakit si AJ?"
Samantala, wala mang diretsong sagot si AJ kay Barbie kaugnay ng sinabi nitong ini-enjoy niya ang pagkaka-link kay Diego, may naging post na meme naman ang aktres sa kanyang FB page.
Isang hitsurang alien ang ipinost ni AJ at sa bandang itaas ay mababasa ang "Stay away from my man," na tipong patungkol sa paalala sa kanya ni Barbie na layuan si Diego.
At kasunod nga ng linyang 'yun ay mababasa ang "Her man" kasama ang picture ng hitsurang alien.
O, parehong palaban, devah? Alam na this!
MAJA, KA-LEVEL NA NINA PIOLO AT BEA BILANG ENDORSERS

Join na rin sa Beautederm family ang magaling na aktres na si Maja Salvador at siya ang pang-76 celebrity endorser ng beauty and skin care products na pag-aari ng successful businesswoman na si Ms. Rei Anicoche Tan.
Winelcome na nga si Maja kasabay ng bago ring endorser ng Beautederm na si Andrea Brillantes para maging ambassadress ng REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters.
“Malaking blessing ang Beautéderm at honored ako to be a brand ambassador of REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters,” sabi ni Maja na of course ay super happy at excited sa bago niyang endorsement.
Kilala si Maja bilang isang serious health buff na makikita sa kanyang aktibong pamumuhay. Kaya naman, swak talaga sa kanya ang pagiging brand ambassadress ng REIKO and KENZEN.
“Ang REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters ay ang perfect set of supplements para sa akin. Naniniwala ako na dapat lahat balanse – there’s a time to work and a time to unwind and have fun.
"Pero ang constant sa buhay ko ay ang aking conscious effort to stay healthy. Napakahalaga ng health at pinagtutuunan ko ito ng pansin araw-araw. Ito ang dahilan kung bakit ang REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters ang perfect set of supplements para sa akin and I am encouraging everyone to make this line of health boosters a part of their daily lifestyle for that added boost of strength and vigor.”
Oh, kaya naman pala mas lalong naging blooming at energetic si Maja na sa kabila ng busy schedule ay hindi nakakalimutang alagaan ang kanyang sarili.
Anyway, dahil magkakasama na sina Maja, Bea Alonzo at Piolo Pascual na mga endorsers ng Beautederm, makikita kaya natin sila in the future sa mga events ni Ma'm Rei na magkakasama?
'Pag nagkataon, reunion ito ng mga dating Kapamilya stars, although si Papa P. naman ay nasa ABS-CBN pa rin at sina Maja at Bea lang ang lumipat.





Comments