BARBIE AT DAVID, DINAYA ANG KISS, FANS DISMAYADO
- BULGAR
- Nov 6, 2023
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | November 6, 2023

Hindi matanggap ng ibang BarDa fans ang ending ng Maging Sino Ka Man na oo nga at nag-kiss ang mga karakter nina Barbie Forteza at David Licauco pero fake naman.
Kita kasi sa eksena na tinakpan ni David ng kanyang thumb ang lips ni Barbie, saka humalik, at ang nahalikan ay ang kanyang thumb.
Kaya ayun, nagpahayag ng disappointment ang ibang fans at kahit naka-move on na sina David na nag-tweet ng “Salamat, Barbie! Napakagaling mo. Paturo po,” na sinagot ni Barbie ng “Salamat din, David. You really gave your best as Carding. Saksi ako. I’m so proud,” ang mga fans, hindi pa rin nakapag-move on at na-stuck sa eksenang ‘yun.
Kesyo na-hopia sila sa wedding scene na finale scene pa naman at kinantiyawan pa si David na magaling mag-kiss ng thumb.
Para sa iba, big disappointment si Barbie dahil dapat sa eksena, may kiss sila ni David, pero hindi nangyari. Dapat daw, kahit smack man lang ay meron.
May nag-lecture pa kay Barbie na ang pagiging magaling na aktres ay hindi lang mahusay sa drama at magaling umiyak. Dapat gawin din kung ano ang eksena at nasa script at hindi naman masisira ang image niya dahil du’n.
May nagpaalala pa kay Barbie na nagkaroon na siya ng kissing scene kay Andre Paras dati, bakit kay David, hindi siya pumayag magpahalik?
Inisip na lang ng mga fans na ang boyfriend niyang si Jak Roberto ang rason kung bakit hindi nagpahalik si Barbie kay David. Baka raw iniwasan ni Barbie na magselos si Jak kahit sinabi naman na dati ng aktor na hindi siya nagseselos sa love team nina Barbie at David.
Pero, kahit nadismaya ang BarDa fans, marami pa rin ang nagustuhan ang ending ng MSKM at looking forward sila sa showing ng movie nina Barbie at David na That Kind of Love at sa series na Pulang Araw na gagawin nila next year.




Comments