ni Nitz Miralles @Bida | February 25, 2024
Nagsimula na ang taping nina Carla Abellana at Bea Alonzo sa series nilang Widows' War, at sa interview sa kanila ni Nelson Canlas para sa 24-Oras, maayos daw ang kanilang trabaho.
Sa storycon pa lang, tila nagkasundo na ang dalawa at excited sila na maging magkatrabaho sa iisang serye.
“I’m very excited, first time naming magkasama ni Carla at may rapport kami. Ok naman so far. May trust ako kay Direk Zig (Dulay),” sabi ni Bea.
Back to work na nga si Bea after ng breakup nila ni Dominic Roque at hindi naman siya mukhang brokenhearted. Maganda rin ang ginawa ni Nelson na hindi na niya tinanong si Bea tungkol sa breakup nila ni Dominic Roque.
Sabi naman ni Carla, sa mga first taping, maayos pa ang relasyon nilang dalawa, gaganap silang magkaibigan, tapos susunod na ang bardagulan at abangan daw ang mga eksenang ito.
Sa mga nakakita sa larawan ni Bea, kita raw ang lungkot sa mga mata nito, pero naniniwala sila na at the right time, mawawala rin ang lungkot sa kanyang mga mata.
Ang bait nga ng mga fans ni Bea, hihintayin daw nila na bumalik ang sigla niya at ang time na naka-fully recover na siya sa nangyari sa kanila ni Dominic.
Comments