Bahay sa Ayala, naibenta nang mawalan ng trabaho… AI AI, KUMANTANG ‘DI NI-RENEW NG ABS-CBN KAYA. LUMIPAT SA GMA-7
- BULGAR
- Mar 23, 2024
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | March 23, 2024

Mag-sorry kaya kay Ai Ai delas Alas ang mga bashers niya na sobra ang bashing sa kanya after niyang mag-guest sa It’s Showtime?
Wala raw siyang loyalty sa ABS-CBN dahil lumipat siya sa GMA Network.
Kaya naman pala lumipat si Ai Ai dahil hindi ni-renew ng ABS-CBN ang kanyang kontrata.
Nabanggit pa ni Ai Ai na naibenta niya ang bahay nila sa Ayala nang mawalan siya ng trabaho.
Maling-mali raw ang akala ng mga bashers, kaya sabi nito, “Mga bashers, mag-sorry kayo sa akin kasi mali-mali kayo ng paratang sa akin.”
Anyway, nag-guest si Ai Ai sa It’s Showtime para i-promote ang concert nila nina Gabby Concepcion at Christopher de Leon at na-bash siya dahil doon.
Kung ngayon siya magge-guest, wala nang mamba-bash sa kanya dahil sa GMA-7 na umeere ang show.





Comments