Babawiin agad ng oil companies ang rollback nu'ng Sept. 1, kasi next week, may bigtime price hike huli

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 6, 2026

VP SARA KAPAG NAGING PRESIDENTE HINDI LANG MARCOS ADMIN ANG LAGOT, PATI JUDGE NA NAGPALABAS NG WARRANT OF ARREST SA KANYA — Hindi lang sa Marcos administration nagpahayag ng galit si Vice Pres. Sara Duterte, kundi pati sa judge na nagpalabas ng warrant of arrest sa kanya kaugnay sa tatlong kaso ng grave threats na may kinalaman sa sinasabing pagbabanta niya sa buhay nina President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at Leyte 1st Dist. Rep. former Speaker Martin Romualdez.
Dahil diyan ay tiyak hindi lang ang Marcos admin ang lagot kapag naging presidente si VP Sara, kundi pati ang judge na nagpalabas ng warrant of arrest laban sa kanya, abangan!
XXX
AFTER MAKAPAGPIYANSA TIYAK SUNUD-SUNOD NA BATIKOS ANG GAGAWIN NI VP SARA SA MGA MALING POLISIYA NG MARCOS ADMIN — Kinumpirma ni Atty. Paul Lawrence Lim, abogado ni VP Sara na nakapagpiyansa na ang Bise Presidente para sa tatlong kaso ng grave threats.
At dahil piyansado na ay asahan na ang sunud-sunod na pambabatikos na gagawin ni VP Sara sa mga maling polisiya ng Marcos administration, boom!
XXX
MGA DOH OFFICIALS NA SANGKOT SA PAGBILI NG MGA EXPIRED NA GAMOT DAPAT MANAGOT — Sa pagdinig sa Senado ay natuklasan ni Sen. Raffy Tulfo na bumili ng mga expired na gamot ang Department of Health (DOH) worth P11 billion noong taong 2023, at pagkaraan, ang mga gamot (expired) na ito ay "ibinaon" daw sa lupa.
Mantakin n’yo, ganyan kalaking halaga ng pera ng bayan ang nasayang.
Dapat managot diyan ang mga DOH officials na sangkot sa pagbili ng mga expired na gamot, period!
XXX
KATATAPOS LANG NG OIL PRICE ROLLBACK, TAPOS MAY BIGTIME OIL PRICE HIKE ULI NEXT WEEK — Matapos ang oil price rollback nitong nakalipas na Sept. 1, 2026, ay inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na may bigtime oil price hike na naman next week.
Dahil diyan ay lumabas na 'yung ibinaba ng presyo ng kada litro ng langis noong Sept. 1, ay babawiin agad ng mga oil company next week, at may kasama pa itong tubo kasi nga bigtime oil price hike ang ipapatupad sa Sept. 7, buset!




Comments