top of page

Ayuda para sa mga apektado ng Mayon, handa na — DSWD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | May 4, 2026



Ayuda sa biktima ng ashfall mula sa Mayon - DSWD

Photo: DSWD



Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mahigit 300,000 family food packs at iba pang pangunahing pangangailangan ang nakaantabay para sa mga residenteng naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.


Umabot na umano sa 301,311 family food packs ang nai-preposition hanggang alas-6 ng umaga kahapon para sa mga residente ng Albay na tinamaan ng makapal na ashfall mula sa bulkan.


Nakaantabay na rin ang 27,322 ready-to-eat food boxes at 15,156 non-food items na handa nang ipamahagi anumang oras.



Naglaan na rin ang DSWD ng P11,304,150 para sa emergency cash transfer, habang P28,305,450 naman ang inilabas para sa cash-for-work (CFW) program.

Ayon sa ahensya, mahigit 2,169 magsasaka na naapektuhan ng mga nakaraang aktibidad ng Bulkang Mayon ang nakatanggap ng tulong sa ilalim ng CFW program.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page