top of page
Search

by Info @News | July 23, 2025



Martin Romualdez - DSWD / HOR / FB


Inanunsyo ni House Speaker Martin Romualdez na aabot sa P360 milyon ang pondong inilaan mula sa Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), bukod pa ang family food packs, at iba pang relief item na matatanggap ng mga biktima ng pagbaha dulot ng bagyo at Habagat sa 36 congressional districts.



AKAP funds para sa 36 distrito

Bawat distrito ay mabibigyan ng P10 milyong direct financial aid na ilalabas sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Rex Gatchalian.


Bukod dito, nakahanda na rin para sa distribusyon ang mga relief pack.


“This is just the beginning of our coordinated disaster response. Malayo pa ang mararating ng tulong na ito at hindi pa ito ang huli. Ang importante, agad nating naramdaman ang pagtulong ng administrasyong Marcos,” ani Romualdez.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | October 4, 2023



ree

Hiniling ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, principal sponsor ng Increased Social Pension of Indigent Senior Citizens Law, sa Department of Budget and Management (DBM) na siguruhing may nakalaang pondo para sa dagdag na buwanang social pension ng mga indigent senior citizen.

Sa 2024 National Expenditure Program, naglaan ng P49.80 bilyon para sa P1,000 kada buwan na social pension ng mga indigent senior citizen.

Subalit, iginiit ni Villanueva na sa taong 2023, nananatiling P500 kada buwan ang social pension ng mga indigent senior citizen, kahit na naipasa ang batas na nagdodoble sa halaga nito noong nakaraang taon.


Sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act, P25.30 bilyon ang inilaang pondo para sa social pension ng mga indigent senior citizen. May inilaan ding P25 bilyon sa ilalim ng unprogrammed funds para sa dagdag-pensiyon.


Mandato ng Republic Act No. 11916, inisponsoran ni Villanueva noong 18th Congress, na dagdagan ng 100 porsyento ang buwanang pensiyon – P1,000 mula sa dating P500 – ng mga indigent senior citizen, na tinatayang nasa 4.1 milyon sa kasalukuyan.



 
 

ni Mylene Alfonso @News | September 25, 2023



ree

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na ipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa susunod na linggo ang cash assistance sa mga may-ari ng sari-sari store na naapektuhan ng pagpapatupad ng mandated price ceiling sa bigas.


Sa update nito sa Office of the President, inihayag ng DSWD na nakatakdang ipamahagi ang cash assistance sa mga may-ari ng sari-sari store sa Setyembre 25 hanggang 29 sa pakikipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry (DTI) bilang pagtukoy sa mga benepisyaryo.


Base sa direktiba ni Marcos, magpapamahagi ang DSWD ng cash assistance sa maliliit na rice retailers na apektado ng pagpapatupad ng mandated price ceiling sa regular at well-milled rice sa buong bansa.


Matatandaang inaprubahan ng Punong Ehekutibo ang pagpapatupad ng P41 price ceiling sa regular milled rice at P45 sa well-milled sa pamamagitan ng pagpapalabas ng Executive Order No. 39.


Batay sa pinakahuling ulat, sinabi ng DSWD na nakapaglabas na sila ng P92.415 milyon na tulong pinansyal sa 6,161 mula sa 8,390 na target na micro at small rice retailers na apektado ng pagpapatupad ng EO 39 sa buong bansa.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page