Dagdag-lane sa Mindanao Avenue Extension, bukas na

by Jeff Tumbado @News | November 24, 2026

Photo: Mindanao Avenue Extension at sa sinagawang inspeksyon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Giovanni Lopez - DPWH
Binuksan na sa publiko kahapon ng umaga, Nobyembre 23, ang isang karagdagang westbound lane sa Mindanao Avenue Extension sa Caloocan City, kasunod ng isinagawang inspeksyon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Giovanni Lopez.
Target ng DPWH na buksan ang tatlo pang lane bago mag-Pasko ngayong Disyembre, habang inaasahang makukumpleto ang buong walong-lane na kalsada sa unang quarter ng 2027.





Comments