top of page
SHEET Lisensiya, suspendido, nag-chopper pa-LTO… LACANILAO KAY GEO ONG- MAGING GOOD EXAMPL

Driver, kulong sa baril, pagnanakaw

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

ni Maeng Santos @News | November 24, 2026



Driver, kulong sa baril, pagnanakaw

Photo: File



Tiklo ang 51-anyos na tsuper nang sikwatin ang wallet ng kapwa driver at makuhanan pa ng baril sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.


Sa ulat ng tanggapan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, natutulog sa loob ng pinapasadang jeepney na nakaparada sa Karuhatan Road ang 42-anyos na biktima nang palihim na dukutin ng suspek ang kanyang wallet na naglalaman ng P150 alas-10:15 ng gabi.


Nagising ang biktima kaya hinabol niya ang kawatan na tumakbo patungong Karuhatan Public Market kung saan siya tuluyang nakorner habang ilang concerned citizen ang umalerto sa mga tauhan ng Police Sub-Station-9 na nagresulta sa pagkakadakip sa kawatan.


Nabawi sa suspek na residente ng Marilao, Bulacan ang ninakaw na wallet at nang kapkapan, ay nakuha pa sa kanya ang isang kalibre .38 paltik na revolver na kargado ng isang bala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page