Search
  • BULGAR

Ayaw patalbog kay Gerald na nagpakita ng 'harap' kay Yam… JULIA, TODO-BUYANGYANG NAMAN NG PUWET

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | March 30, 2021




Sa teaser ng teleseryeng Init sa Magdamag kung saan hinubad ni Gerald Anderson ang kanyang pantalon at napamulagat ang leading lady niyang si Yam Concepcion ay maraming netizens ang nagsabing, "Sana sila na lang ni Yam."


Ang kilalang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz, kasama ang partner niyang si Mama Loi, ay paulit-ulit ding ipinakita ang eksenang naka-boxer shorts si Gerald at nandoon si Yam sa kanyang YT channel.


Ayaw naming isiping baka may selos factor si Julia Barretto na nakita ni Yam ang ipinagmamalaki ng boyfriend niya kaya nag-post siya sa kanyang Instagram account na nakatalikod at suot ang bathing suit na pinatungan ng white long sleeves at kita na ang hiwa sa puwet niya. Na parang gustong ipahiwatig ng aktres na huwag siyang kalimutan ni Gerald.


O, posible ring nakipag-compete si Julia kay Gerald na sabihing may ipinagmamalaki rin siya?


Umani ng 346K likes at 1,017 comments ang nasabing post ng dalaga.




0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.