Ayaw daw umasa sa kasal nila… KIM: SI XIAN ANG TANUNGIN N’YO!
ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 13, 2021

Tuwang-tuwa si Kim Chiu nang humarap kahapon sa face-to-face presscon ng Metro Manila Filmfest entry ng Obra Cinema Productions, ang trilogy horror film na Huwag Kang Lalabas.
After 2 yrs. nga naman, ngayon lang uli nagkaroon ng face-to-face presscon at sabi nga ni Kim, na-miss niya ang mga reporters na nag-i-interview sa kanya.
Isa si Kim sa mga bida ng movie na may tatlong episodes — Kumbento, Bahay at Hotel.
Sa Hotel episode, kasama ni Kim sina Jameson Blake, Brenda Mage, Donna Cariaga, Tina Paner, Rico Barrera, James Teng at Allan Paule.
Ipinakilala si Kim ng host bilang “The Millennial Horror Princess” dahil ilang horror films na rin naman ang nagawa ng aktres in the past like Shake, Rattle & Roll, The Healing, U-Turn at ito ngang latest film niyang Huwag Kang Lalabas.
Asked namin siya kung humingi ba siya ng tips kay Kris Aquino na Horror Queen at close sa kanya.
Natatawang sabi ni Kim, busy si Kris at ayaw na niyang abalahin.
Samantala, dahil uso nga ang mga nagpapakasal this year, of course, hindi nakaligtas si Kim na matanong kung may balak na rin ba silang magpakasal ng kanyang longtime boyfriend na si Xian Lim.
Nag-try pang umiwas si Kim sa tanong, pero sinagot pa rin naman niya by saying, “Wala pa po.
‘Di ko po alam. Dapat si Xian ang tanungin. Nakakahiya naman kay Xian.”
And when asked kung ready ba siya saka-sakaling mag-propose na nga si Xian, natatawang sagot ni Kim, “Aaay, grabe naman po ‘yang katanungan na ‘yan. Tingnan na lang po natin.
Mahirap naman pong umasa nang agad-agad. Pero we love each other.”
Nakakatuwa si Kim at sobrang naa-appreciate namin ang malaking ipinagbago niya.
Kung natatandaan pa kasi namin, nu’ng time na sila pa ni Gerald Anderson ang mag-boyfriend, todo-iwas siya sa mga tanong ng press at parang naiirita ‘pag nauurirat ang kanyang love life.
Pero ngayon, kayang-kaya nang baklain ni Kim ang pagsagot sa mga pang-iintriga sa kanyang buhay.
Maturity comes with age and experience talaga!
Anyway, sa dalawa pang episodes ng Huwag Kang Lalabas ay bida naman sina Beauty Gonzales (Kumbento) at Aiko Melendez (Bahay).
Kasama ni Beauty sa Kumbento sina Elizabeth Oropesa, Yasser Mata, Matet de Leon, Tanya Gomez at Marcus Madrigal.
Sa Bahay naman ay co-stars ni Aiko sina Joaquin Domagoso, James Blanco, Bembol Roco, Dave Bornea, Ayeesha Cervantes at Soliman Cruz.





Comments