top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Awww! BF mo, Jodi, sapul na naman… CLAUDINE KAY RAYMART: ANG TOTOONG AMA, NAGSUSUSTENTO KAHIT

  • BULGAR
  • Mar 21, 2021
  • 1 min read

'DI OBLIGAHIN NG KORTE


ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 21, 2021




Hala, ano na naman kaya ang nag-trigger kay Claudine Barretto para mag-ala-Taal Volcano na pumutok uli at nagbuga ng matatalim na salita laban sa kanyang estranged husband na si Raymart Santiago?


May bagong post si Claudine kahapon sa kanyang Instagram account na ang mababasang text ay: “Real dads support their children without the law telling them they have to!”


At sa kanyang caption, diretsong tinawag ni Claudine ang atensiyon ni Raymart: "This is for you raymartsantiago fight fair for once in your life!!!"


Matatandaang ilang linggo na ang nakararaan ay binanatan din ni Claudine ang ama ng kanyang mga anak dahil sa hindi raw pagsusustento nito na kailangan pang idaan sa korte, at pati nga ang bagong karelasyon ngayon ni Raymart na si Jodi Santamaria ay nadamay pa dahil sa sinabi ni Claudine na bad influence ito sa kanyang estranged hubby.


Knowing Raymart na hindi mahilig sa publicity at ayaw na ayaw na pinag-uusapan ang kanyang personal na buhay kahit pa nga artista siya, wala tayong maririnig na salita mula sa kanya bilang sagot sa mga banat ni Clau.


Kung gagawa man siya ng aksiyon, tiyak na idadaan niya 'yan sa proper venue at hindi sa social media kung saan maaaring ikasira at ikasakit ng loob ng ina ng kanyang mga anak ang anumang salitang bibitawan niya.


So, at least, nandu'n pa rin ang respeto ni Raymart kay Claudine, 'di ba?





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page