Australia, bansang may magandang sistema at masayang pamumuhay na wala sa ‘Pinas
- BULGAR

- May 29
- 3 min read
ani Judith Sto. Domingo @Asintado | May 29, 2026

Bago ang lahat, hayaan ninyong pasalamatan ko ang mga mabubuting loob na mahal sa buhay na nagpamalas ng mainit na pagtanggap at pag-aasikaso sa aking pamilya sa aming maikling bakasyon sa Sydney, Australia nitong nagdaang linggo.
Sa aking minamahal na pinsang tila may elixir of youth na si kuya Perry Platon at ang laging nakangiti niyang kabiyak na si ate Bernie (Baby), at sa kanilang mga mabubuting anak at malambing na mga katuwang sa buhay, na sina Jeffrey, Helen, Raymond, Damian, Kristine at Jack; sa mga magigiliw na kapatid ni ate Bernie na sina ate Nelie at kuya Boy; sa walang kupas kong pamangkin na itinuturing kong pinakamagandang pinsan na si Grace Gonzales Gutierrez; at sa aking kaibigang si Mia Romano Benitez—mahigpit na yakap ng pasasalamat sa lahat-lahat ng kabutihan at pagmamahal na ipinadama ninyo sa amin. Ang bawat panahong nakapiling namin kayo sa Sydney ay hindi matatawaran, at ang mga alaala na ito ay patuloy na pumupuno't nagbibigay ng kasiyahan sa aking puso at pagkatao.
Taos-pusong pasasalamat, kuya Perry at ate Bernie, na binuksan n’yo ang inyong tahanan para sa amin at pinasaya ng inyong mainit na pag-estima at walang katapusang kuwentuhan; salamat sa ating masayang pamamasyal at pagsasalu-salo sa iba’t ibang nakaaaliw na lugar pati na sa mga maaaliwalas na tahanan ng inyong mga anak. Labis na kulang ang mga pangungusap para kayo ay lubos na pasalamatan.
At gaya ng aking nakagawian, hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang ating mga napag-alaman at naging karanasan sa Sydney, Australia, upang mapagyaman din ang kamalayan ng ating mga mambabasang nangangarap makipagsapalaran sa ibang bansa.
Ang kauna-unahan nating masasabi ay napakaganda at napaka-episyente ng public transportation system dito. Iisang card lamang ang kailangang bilhin at lagyan ng load upang makasakay ka ng train, bus, o ferry patungo sa iyong pupuntahan o pabalik sa iyong pinanggalingan. Konektado ng bus o train ang mga suburb kung kaya’t madaling makarating sa city o saan mang lugar nang hindi nag-aalala. Labis tayong pinahanga ng sistemang ito, kasabay ang pagtatanong kung may pag-asa pa kaya ang Pilipinas na maabot ang ganitong uri ng pagkakadugtung-dugtong ng pampublikong transportasyon.
Samantala, iba’t ibang lahi rin ang naninirahan sa Sydney, hindi lamang Asians kundi mula sa iba’t ibang panig ng mundo tulad ng Europa. At nananatiling bukas ito sa lahat, kasama na ang mga Pilipinong nangangarap manirahan dito. Ang pinakamadaling paraan para makatigil dito ay ang maging isang mag-aaral o empleyado, kung saan maisasama mo pa ang iyong kabiyak o pamilya na maaaring makapagtrabaho roon.
Hindi gaya sa Pilipinas na ang pinakamababang suweldo ay kapos at salat, doon ay sapat at may maiipon pa. Sa madaling salita, hindi talo ang nagtatrabaho, kahit ang pinakamababa ay magkakaroon ng maayos na simula. Samantalang nakaalalay naman ang gobyerno para magpautang ng sapat para sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan—bahay man o tuition para sa kolehiyo.
Sa larangan ng kalusugan ay hindi ka mababalisa sa gastusing medikal, sapagkat ang public health insurance ay maaasahan at wala ka nang aalalahanin, na sana naman ay mangyari rin sa ating bansa.
Lalo nang kahanga-hanga ang benepisyo ng mga retirado sa Australia, na may dignidad at dangal kang tatanda at patuloy na makatatamasa ng pag-aalaga ng sistema at paglilingkod ng kanilang pamahalaan.
Kaya naman para sa ating mga tagasubaybay, huwag mag-atubiling magsumikap na makapagtrabaho at maranasan ang buhay sa Australia—malay ninyo, ito pala ang klase ng buhay na inyong minimithi.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.




The more I read this article, the more interested I became in the subject. The information was presented in a way that felt both accessible and informative. A few sections especially caught my attention and encouraged me to see details beyond the scope of the article itself. That kind of content is always valuable because it motivates readers to continue learning. The structure was excellent and easy to follow. Thanks for sharing your knowledge. I enjoyed reading this post.
This blog post answered a question I had been carrying around for months but more importantly it answered several questions I did not yet know I had. That second kind of usefulness — the kind that expands your sense of what is worth asking — is the rarest and most valuable quality in any piece of writing and this article delivers it in abundance. I came here through a recommendation with no strong expectations and left with a genuine new direction in my thinking. I have already started following up on two of the threads it introduced and both have proven fruitful. The author has done something genuinely significant here. Thank you!
What a useful post. The author did an excellent job of explaining the main ideas in a concise and understandable way. I often appreciate articles that leave room for readers to explore more details on their own rather than trying to cover everything at once. This approach keeps the content focused and easy to digest. The article was informative without feeling overwhelming. Thank you for sharing your perspective. I found it very helpful.
I took the time to read the full article and it was definitely worth it. The content stays interesting all the way through and never feels unnecessarily stretched out. I liked how the information was presented in a clear and readable format that keeps the reader engaged. The author also did a good job of explaining the topic without making it too complicated. It is refreshing to find articles that combine useful insights with such an easy reading experience. Great work on this piece.
I was browsing through several sources trying to learn more about this topic, and this web article immediately stood out to me. The explanations are written in a very clear and reader-friendly way. I also liked how the content stayed focused without drifting into unrelated points. The tone feels informative while still remaining comfortable and easy to follow. It’s not always easy to find articles that are both useful and enjoyable to read. Some of the insights shared here were genuinely interesting and well explained. Great job on creating such engaging content.