top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Apelyido ng ama, hindi maaaring basta gamitin ng bata

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 13, 2021
1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 12, 2021



Dear Chief Acosta,


Nabuntis ako ng aking BF at ayaw niya itong panagutan. Hindi na siya nagpakita sa akin hanggang sa ako ay makapanganak last month. Maaari ko pa rin bang ipagamit ang apelyido ng aking kasintahan kahit ayaw niyang panagutan ito? – Lyka


Dear Lyka,


Para sa inyong kaalaman, upang magamit ang apelyido ng kanyang ama ng inyong anak, ayon sa Rules 4-5 ng Rules and Regulations Governing the Implementation of Republic Act No. 9255 (An Act Allowing Illegitimate Children to Use the Surname of their Father, Amending for the Purpose, Article 176 of Executive Order No. 209, Otherwise Known as the "Family Code of the Philippines), kakailanganin ninyong magsumite ng pampublikong dokumento ng pagkilala (affidavit of recognition), o kaya naman ay affidavit to use the surname of the father (AUSF) kasama ang certificate of live birth sa local civil registry office (LCRO) kung saan isinilang ang inyong anak.


Ibig sabihin, para magamit ng inyong anak ang apelyido ng kaniyang ama, kinakailangan ninyo munang makapagsumite ng dokumento ng pagkilala mula sa inyong kasintahan.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page