Anumang lumabas sa ICI investigation, ‘di paniniwalaan ng taumbayan, sila-sila lang sa ICI nakaaalam ng pinaggagawa nila
- BULGAR
- 19 hours ago
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 20, 2025

WALANG ‘K’ ANG MAG-ASAWANG DISCAYA MAGTAMPO SA ICI DAHIL SA LAKI NG NA-SCAM SA KABAN NG BAYAN WORTH P207B, MOST GUILTY TALAGA SILA SA FLOOD CONTROL PROJECTS SCAM -- Kung pakasusuriin ang sinabi ni Atty. Cornelio Samaniego, abogado ng mag-asawang Discaya ay lumalabas na "nagtampo" ang kanyang mga kliyente sa statement ni ICI Commissioner Rogelio Singson na hindi sila (Curlee at Sarah Discaya) least guilty, kaya nagpasya ang mga Discaya na huwag nang makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICI sa mga sangkot sa flood control projects scam.
Kapal din talaga ng mukha ng mga Discaya, kasi sa totoo lang ay walang “K” o karapatan na magtampo ang mga Discaya sa statement ni ICI Comm. Singson dahil hindi naman talaga sila least guilty, sa laki ng pera ng bayan worth P207 billion na kanilang na-scam ay sila talaga ang most guilty sa flood control projects scam, period!
XXX
KUNG ANUMAN ANG KALABASAN NG ICI INVESTIGATION, HINDI ITO PANINIWALAAN NG TAUMBAYAN DAHIL SILA-SILA LANG ANG NAKAKAALAM KUNG ANO’NG MGA PINAGGAGAWA NILA -- Kung anuman ang kalabasan ng imbestigasyon ng ICI, lalo’t kung wala rin lang silang kakasuhan na high ranking gov’t. officials o high ranking politicians ay hindi ito paniniwalaan ng taumbayan.
Ang dahilan, ayaw nilang isapubliko ang ICI hearings sa mga sangkot sa flood control projects scam, sila-silang mga nasa ICI lang kasi ang nakakaalam sa kanilang mga pinaggagawa sa loob ng tanggapan nila, mga buset!
XXX
KAPAG PATULOY NA DEDEDMAHIN NI PBBM ANG PANAWAGANG ISAPUBLIKO ANG ICI INVESTIGATION, IBIG SABIHIN GUSTONG ILUSOT NG GOBYERNO ANG MASTERMIND SA FLOOD CONTROL PROJECTS SCAM -- Si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang nagtatag ng ICI kaya’t may "K" siyang sabihan ang mga ICI members na isapubliko ang ICI investigation sa flood control projects scam para ‘ika nga maalis sa isipan ng mamamayan na may nais pagtakpan o may nais ilusot ang gobyerno sa mga sangkot sa flood control projects scam.
Pero kung patuloy na dededmahin ni PBBM ang panawagan ng iba’t ibang sektor na isapubliko ang ICI investigation, ibig sabihin niyan ay kung sinuman talaga ang mastermind sa flood control projects scam, iyan ang gusto ng gobyerno na ilusot sa kaso, boom!
XXX
TILA GUSTO NI GORDON MAGKAPUWESTO SA MARCOS ADMIN KAYA TODO-SIPSIP SIYA NANG SABIHING ‘GOOD LEADER’ DAW SI PBBM -- Nang magkita sina PBBM at former Sen. Richard Gordon, chairman ng Philippine Red Cross (PRC) sa Cebu matapos ang lindol, ay sinabi ng dating senador na "good leader" daw ang kasalukuyang presidente.
Tila gusto ni Gordon na mabigyan siya ng posisyon sa Marcos administration kaya todo-sipsip siya kay PBBM, he-he-he!
Comments