top of page
Search
  • BULGAR

Anuman daw ang nangyayari sa kanila… ALDEN: SA AMIN NA LANG NI KATHRYN 'YUN

ni Beth Gelena @Bulgary | Abril 12, 2024




Na-interview ni Nelson Canlas si Alden Richards at naitanong nito ang real score sa Pambansang Bae at kay Kathryn Bernardo. 


Pagkaklaro ng Kapuso actor, mula nang gawin nila ang movie na Hello, Love, Goodbye ay naging friends na sila.


Mas pinili na lang daw nila na huwag nang i-publicize sa social media kung nagba-bonding man sila.


Naging usap-usapan kasi ang dalawa nang dumating si Alden sa birthday surprise ni Kath at may dalang bouquet of roses at gift sa actress. 


Nabigyang-kahulugan pa ang pag-welcome ni Kathryn ng warm embrace kay Alden. 


Pahayag ng Multimedia Asian Star, "I was invited and siyempre, it was part of her post-birthday celebration with friends and family. Masaya naman. Masaya naman 'yung naging experience and you can see how happy Kath is right now."


Patuloy pa niya, "Hindi lang din talaga kailangang laging ipamalita sa social media 'yung mga ganyan. You know, sometimes 'yung mga personal things that's happening, better be personal na lang.”


O ayan, coming from Alden, ha?


Let's wait and see kung may magandang kahahantungan ang friendship nila ni Kath. 


Anyway, pareho naman na silang single, who knows, someday may mabalitaan na tayong magdyowa na ang KathDen. 


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page