top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ano’ng gagawin ng gobyerno sa mga nakumpiskang pekeng bags?

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 27, 2021
1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 27, 2021



Dear Chief Acosta,


Nahuli ang aking kaibigan na nagbebenta ng counterfeit na imported bags at nakumpiska ang kanyang mga produkto. Ano ang gagawin ng ating gobyerno sa mga nakumpiskang bag? – Isay


Dear Isay,


Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang A.M. No. 10-3-10-SC, o mas kilala sa tawag na Rules of Procedure for Intellectual Property Code, kung saan nakasaad na:


“SEC 1. Order of destruction. — At any time after the filing of the complaint or information, the court, upon motion and after due notice and hearing where the violation of the intellectual property rights of the owner is established, may order the destruction of the seized infringing goods, objects and devices, including but not limited to, sales invoices, other documents evidencing sales, labels, signs, prints, packages, wrappers, receptacles, and advertisements and the like used in the infringing act.”


(Binigyang-diin)


Malinaw sa nasabing probisyon ng batas na ang korte lamang ang may kapangyarihang mag-utos sa pagpapasira sa mga produktong nakumpiska, kung pagkatapos ng pagdinig ay makikita nito na ang mga nasabing produkto ay ginawa ng may paglabag sa Intellectual Property Code. Ibig sabihin, maaaring ipag-utos ng korte na sirain ang mga counterfeit goods o pekeng bag na nakumpiska mula sa inyong kaibigan.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page