top of page

Ano ang dapat gawin kapag nakatanggap ng order na dismissed without prejudice ang kaso?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 29, 2020
  • 1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 29, 2020



Dear Chief Acosta,


Nagsampa ako ng reklamo laban sa aking dating employer dahil hindi tama ang pagpapasuweldo sa akin. Sa kasamaang-palad, nagkasakit ako noong araw na nakatakdang isumite ang aking position paper at na-dismiss without prejudice ang aking kaso. Nais kong malaman kung ano ang maaari kong gawin upang maipagpatuloy ang aking kaso. – Shamea


Dear Shamea,


Para sa inyong kaalaman ang Section 20, Rule V ng 2011 NLRC Rules of Procedure, as amended, ang panuntunang naaangkop sa inyong sitwasyon. Ayon sa nabanggit:


“SECTION 20. REVIVAL AND RE-OPENING OR RE-FILING OF DISMISSED CASE and LIFTING OF WAIVER. - A party may file a motion to revive or re-open a case dismissed without prejudice, within ten (10) calendar days from receipt of notice of the order dismissing the same; otherwise, the only remedy shall be to re-file the case. xxx” (Binigyang-diin)

Nakasaad sa nabanggit na panuntunan na maaaring magsumite ng motion to revive o re-open ang partido, sampung (10) araw mula nang matanggap niya ang order na dismissed without prejudice ang kanyang kaso. Kung sakaling hindi niya ito magawa sa panahong nabanggit, ang remedyo na lamang na natitira sa kanya ay ang muling pagsasampa ng kanyang reklamo.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipa-alam sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page