ANGELICA, MASIPAG MAG-POST SA SOCMED PARA ‘DI MALAOS
ni Beth Gelena @Bulgary | October 30, 2023

Napatanong si Angelica Panganiban sa ipinost niyang throwback photo kung saan may mga kasama siya kung sino ba ang mga ito.
"Sino ‘tong mga payat na nilalang na ito? Tapos, ginawan mo ‘ko ng movie about katabaan nu’ng era na ‘yan."
Tinanong pa niya ang direktor, "BTW, as mahiyaing director ka ba dito? @tonetjadaone"
Ayon sa mga netizens, "Siguro nami-miss na rin ni Angge ang showbiz kaya nagpo-post ng mga throwback photos."
Matagal-tagal na rin nga namang hindi na napapanood ang aktres sa boobtube o sa wide screen.
Pero dahil next year na ang kasal ni Angelica, hindi muna siguro ito magbabalik-showbiz.
After all, patuloy pa rin naman siyang relevant at pinag-uusapan kahit wala siyang project dahil active ito sa kanyang social media account.





Comments