Ang pamamahiya ni Sec. Remulla kay Gov. Fernando kaya ang dahilan kaya Partidong NUP, hindi boboto sa impeachment ni VP Sara?
- BULGAR

- 10 hours ago
- 3 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | February 27, 2026

FAKE NEWS NAMAN YATA ANG ROAD RAGE SA PAGITAN NI GOV. FERNANDO AT PRESIDENTIAL SON TAPOS SI SEC. REMULLA, PATULOY NA HINIHIYA ANG GOBERNADOR SA PUBLIKO – Nagpalabas ng pahayag ang malaking partidong politikal sa Pilipinas, ang National Unity Party (NUP), na hindi nila susuportahan ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte kung walang bagong ebidensyang maipapakita laban sa kanya.
Tanong: May kinalaman kaya ang pamiminsala ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla kay Bulacan Gov. Daniel Fernando, isa sa mga haligi ng NUP? Lumabas sa social media ang balitang road rage sa pagitan ng convoy ni Gov. Fernando at isa sa anak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos (PBBM) sa NLEX, at tila mga kalaban sa pulitika ng gobernador ang nagpakalat nito. Agad namang pinatulan ni Sec. Remulla ang balita.
Ayon sa mga pahayag, tila pekeng balita ito. Una, mismong si Land Transportation Office (LTO) chief Markus Lacanilao ang nagsabing walang katotohanan ang kumalat na show cause order laban sa Bulacan Provincial Government. Pangalawa, pinabulaanan ng Malacañang na sangkot ang anak ni PBBM. Pangatlo, wala ring CCTV sa NLEX o dashcam na nagpatunay ng naturang insidente. Pang-apat, itinanggi mismo ni Gov. Fernando kay Sec. Remulla na may naganap na road rage.
Sa kabila nito, patuloy pa ring ipinapahiya ng DILG secretary ang gobernador, idinidiin na umano’y “hari-hari” at abusado sa kalsada ang Bulacan governor. Tsk!
XXX
POST NI RAMON TULFO NA BINUGBOG SI GOV. FERNANDO, FAKE NEWS 'YAN KASI BARAKO RIN ANG GOBERNADOR NA 'YAN, PAPALAG 'YAN – Ang post ni veteran journalist Ramon Tulfo sa social media tungkol sa umano’y pambubugbog kay Gov. Fernando at pagkakaroon ng pasa sa mukha ay fake news. Kilala si Gov. Fernando bilang matapang at papalag, at tiyak na hindi gagawin ng sinumang malapit kay PBBM ang mambugbog ng isang gobernador. Kung may pagkakasala, isusumbong o isasampa iyon sa tamang paraan, hindi gagamit ng karahasan, dahil magdudulot ito ng malaking gulo.
Ang nais nating ipunto: Kahit hindi direktang humaharap sa media si Gov. Fernando para ipaliwanag ang kanyang panig, maaaring ayaw niyang makipagbangayan kay Sec. Remulla. Bilang DILG secretary, “boss” niya ang mga lokal na opisyal, at alam naman ng nakararami sa Bulacan na hindi siya abusadong public official. Period!
XXX
ICC, GUMAGAMIT NG PEKENG EBIDENSYA PARA IDIIN SA KASO SI FPRRD? – Sablay ang ginamit na ebidensya ng prosecutor sa International Criminal Court (ICC) hinggil sa CCTV video na umano’y nagpapakita ng pagpatay sa Davao City. Ayon kay dating journalist Ben Tesiorna, siya mismo ang kumuha ng video noong December 19, 2013, at ang CCTV ay para lamang ipakita ang kakayahan ng sistema ng lungsod. On the record, sa panahong iyon at sa lugar na iyon, walang naganap na pagpatay.
Dahil sa paliwanag ni Tesiorna, lumalabas ngayon na maaaring gumagamit ang mga ICC prosecutors ng pekeng ebidensya para idiin ang kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Tsk!
XXX
TALO SI PBBM KUNG ‘DI NAG-VP SA KANYA SI VP SARA – Nasabi ni VP Sara Duterte na iniisip niya kung ano ang mangyayari kung tumakbo na lang siya bilang mayor at hindi naging Vice President kay PBBM noong 2022 presidential election.
Kung hindi siya nag-VP, tiyak na matatalo si PBBM, dahil higit 16 milyon na boto ang naambag ng mga Duterte Diehard Supporters (DDS) para maipanalo ito sa eleksyon. Boom!




Comments