ANDREA, IPINAGDIINAN ANG KAIBAHAN NG LOYAL AT FAITHFUL
- BULGAR
- Nov 23, 2023
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | November 23, 2023

Naaliw kaming panoorin si Andrea Brillantes sa vlog ni Luis Manzano sa YT Channel nitong Luis Listens. Ang husay niyang sumagot sa mga tanong ng TV host, lalo na nang iesplika niya ang pagkakaiba ng “loyal” at “faithful”.
Ayon sa Senior High lead actress, “Sa mga hindi nakakaalam, iba ang loyal sa faithful. Ang loyal, kapag may dumaan na chicks, titingin 'yan pero doon pa rin siya sa mahal niya. Ang faithful, kapag may chicks diyan, 'Hindi, titingin lang ako sa asawa ko, sa love of my life.' Ganu'n ang faithful.
“Normal lang naman 'yun bilang tao na ma-attract ka pa rin sa iba, oo, pero doon ka pa rin sa mahal mo at wala kang gagawin sa feelings mo na 'yan,” aniya sa loyal people.
Pagpapatuloy ng 20-year-old actress, “Ang faithful, kahit pa lahat ng sexy na babae, nasa harapan mo, hindi, hindi ka titingin. At hindi ka makaka-feel ng kahit anong attraction.”
"So, ang hinahanap mo, hindi na faithful, loyal na lang?” tanong ni Luis.
“Loyal. Ang hirap, eh,” sambit ni Andrea.
“Pero siyempre, kung may faithful, Lord, please?” dalangin niya.
"Ano naman ang pinaka-highlight na nangyari sa ‘yo nitong 2023?” tanong uli ni Luis.
“'Yung heartbreak ko,” pag-amin ni Andrea.
"Ang daming bashers. Halos mababasa mo, negative comments. Pero nanatili akong tahimik. Kung noon, ang mga bagay na toxic ay hindi ko pinalalampas dahil pala-sagot talaga ako, nu’ng time na ‘yun ay talagang tumahimik ako kahit na nanggigigil na akong buweltahan sila.
"Luckily, naging maganda naman ang resulta. Maraming dumating na offers na siyang ipinagpapasalamat ko. Effortless talaga ang ginawa kong pananahimik which panay Amen lang ako.”
Sa ngayon, ang hinahanap daw niyang maging future partner ay isang totoong lalaki, isang ‘man’ at hindi basta ‘boy’ lang.
Hmmm… sa mga pagsasalita ni Andrea, mukhang nag-mature na nga ito.





Comments