top of page
BIDA - DENNIS, NIRESBAKAN NG NETIZEN, ‘DI RAW MABUTING TAO DAHIL ENDORSER NG SUGAL_FB Denn

Kaya wa’ selos na kasama uli ni John… ISABEL, MALAKI ANG TIWALA KAY HEART BILANG KAIBIGAN

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | October 30, 2026



BULGARY - ISABEL, MALAKI ANG TIWALA KAY HEART BILANG KAIBIGAN_IG _isabeloliprats

Photo: IG _isabeloliprats



Hindi selos ang namamayani kay Isabel Oli sa muling pagsasama sa trabaho ng kanyang asawang si John Prats at ng dating ka-love team nitong si Heart Evangelista. In fact, siya pa nga mismo ang nagtulak para muling magkasama ang dalawa.


Sa isang panayam para sa paglulunsad ng modernong noodle brand na ARIH sa Pilipinas, tinanong si Isabel kung wala ba siyang nararamdamang selos sa pagbabalik ng tambalang John at Heart.


Aniya, “Ay, ‘di talaga, not at all! Heart is a good friend. Mas nauna kaming maging friends ni Heart kaysa kay John.”


Naalala rin ni Isabel ang pinagsamahan nila ni Heart sa mga proyekto, kabilang ang lokal na adaptasyon ng Full House, kung saan gumanap siya bilang kontrabida.


Sey niya, “Happy ako, happy talaga kasi friend ko talaga matagal na si Heart... And I know her, sobrang... she’s one of my trusted friends sa showbiz.”


Pero ang mas agaw-pansin sa kanyang rebelasyon ay ang pag-amin na siya pa ang nangunguna sa pagsuporta sa muling pagsasama ng dalawa.

Aniya, “Wala, ako pa nga ‘yung pusher! ‘Go!’ ganu’n.”


Sa halip na magselos, mas nangingibabaw kay Isabel ang tiwala sa kanyang mister.

Kuwento pa niya, “Close kami nu’ng una. Tapos nu’ng nanliligaw si John, s’ya pa ‘yung ‘pag nasa take ako, sasagutin n’ya ‘yung phone, tapos magtsitsika sila. Tapos, of all sa mga kakilala kong tao, si Heart lang ‘yung walang nasabing bad against John.”


Nag-iwan din ng sweet na komento si Heart sa social media post tungkol sa panayam ni Isabel.


Mensahe nito, “We love HERRR (heart emoji). Angel sisssy.”


Sina Isabel at John ay ikinasal noong 2015 at may sarili nang pamilya.

Sa kabila nito, ipinakita ng aktres na hindi kailangang maging hadlang ang nakaraan ng kanyang asawa sa isang matagal nang pagkakaibigan.





Bilib lang daw talaga sa TV host-actress…

MIMIYUUUH, NILINAW NA ‘DI PATUTSADA KAY HEART ANG HIRIT NA ‘CLEAN MONEY GIRL’ SI ANNE



NILINAW ni Mimiyuuuh na hindi dapat bigyan ng ibang kahulugan ang pagpuri niya kay Anne Curtis bilang ‘clean money girl’ dahil wala siyang intensiyong magparinig o magpahiwatig na may ibang personalidad na kumikita ng maruming pera.


Sa guesting ni Mimiyuuuh sa Almost Honest podcast, napag-usapan nila ng host na si Kylie Verzosa ang kontrobersiyang dulot ng naturang pahayag.

Ayon kay Kylie, lumaki nang husto ang isyu kumpara sa orihinal na konteksto nito.


Sey niya, “Your 'clean money' comment took a life of its own online... and I honestly think it became bigger than it actually was.” 


Ipinaliwanag naman ni Mimiyuuuh na wala silang ibang intensiyon ni Esnyr nang purihin nila si Anne sa kanilang vlog kundi kilalanin ang sipag at pagsisikap ng aktres.


Aniya, “Kami ni Esnyr, nag-vlog kami, tapos parang it’s just so weird na pinupuri lang namin si Miss Anne for being clean money girl kasi totoo naman na she really works hard for everything that she has, period.”


Nilinaw rin ng content creator na hindi nangangahulugang may negatibo siyang sinasabi tungkol sa ibang artista dahil lamang hindi niya nabanggit ang pangalan ng mga ito.


Diin ni Mimiyuuuh, “I’m not pertaining to other people na just because ‘di ko nabanggit ‘yung pangalan mo, it doesn’t mean na you’re a dirty money girl.”


Inihalimbawa ni Mimiyuuuh sina Kylie at Vice Ganda, na tinukoy niyang ‘Meme’ upang ipaliwanag na hindi dapat isipin ng ibang personalidad na may patutsada sa kanila ang papuri niya kay Anne.


Paliwanag niya (as is), “Like kunyare, si Miss Kylie... ba’t ‘di ka naman na-offend nu’ng sinabi ko si Anne Curtis ay clean money girl? Or let’s say si Meme [Vice Ganda]? Ba’t hindi siya na-offend na, ‘Ay, ba’t ‘di ako sinabi ni Mimi na clean money girl, eh, clean money girl din naman ako?’”


Inamin ni Mimiyuuuh na tila nagkaroon lamang ng hindi pagkakaunawaan sa tunay na ibig niyang sabihin.

Sambit niya, “So I feel like na-misunderstood lang din talaga lahat.”

Kung matatandaan, may ilang fans ni Heart Evangelista ang nagalit dahil ang feeling nila ay patutsada sa kanilang idolo ang naging statement ni Mimiyuuuh.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page