Anak ng namatay na kapatid sa ama, may karapatan sa mana
- BULGAR

- Jun 8, 2024
- 3 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 8, 2024

Dear Chief Acosta,
Nag-iisang anak ako. Bago ikasal ang mga magulang ko noong taong 1990 ay nagkaroon ang ama ko ng anak sa pagkabinata. Matagal nang patay ang kapatid ko sa ama at naiwan niya ang kanyang asawa at anak. Ang aking ama naman ay namatay noong nakaraang taon lamang, subalit wala siyang iniwang huling habilin at testamento. May karapatan bang makihati sa mana ang asawa at anak ng aking namatay na kapatid sa ama? -- Lucio
Dear Lucio,
Ang batas ang nagtatalaga ng karapatan at pamamaraan ng pamamahagi ng mga naiwang ari-arian ng isang yumao. Ito ay upang matiyak ang maayos na pagsasalin ng mga nasabing ari-arian sa mga karapat-dapat na tagapagmana. Ang isang tao, habang siya ay nabubuhay, ay maaaring magdesisyon kung paano niya ipamamahagi ang mga maiiwan niyang pag-aari alinsunod sa itinakda ng batas. Ito ay maaari niyang gawin sa pamamagitan ng kanyang huling habilin na kung saan ay may laya siyang ipamahagi ang mga maiiwan niyang ari-arian maliban lamang sa bahagi na itinakda ng batas para sa kanyang sapilitang tagapagmana (compulsory heirs).
Sa pagkakataong siya ay walang iniwang huling habilin, ang batas kaugnay sa intestate succession ang eksklusibong gagabay sa paghahati ng kanyang mga ari-arian. Sa pagkakataong ito, nakasaad sa Articles 887, 895, at 972 ng Republic Act (R.A.) No. 386, o mas kilala bilang New Civil Code of the Philippines, na:
“Article 887. The following are compulsory heirs:
(1) Legitimate children and descendants, with respect to their legitimate parents and ascendants;
(2) In default of the foregoing, legitimate parents and ascendants, with respect to their legitimate children and descendants;
(3) The widow or widower;
(4) Acknowledged natural children, and natural children by legal fiction;
(5) Other illegitimate children referred to in article 287.
Compulsory heirs mentioned in Nos. 3, 4, and 5 are not excluded by those in Nos. 1 and 2; neither do they exclude one another.
In all cases of illegitimate children, their filiation must be duly proved.
The father or mother of illegitimate children of the three classes mentioned, shall inherit from them in the manner and to the extent established by this Code. xxx
Article 895. The legitime of each of the acknowledged natural children and each of the natural children by legal fiction shall consist of one-half of the legitime of each of the legitimate children or descendants. xxx
Article 972. The right of representation takes place in the direct descending line, but never in the ascending.
In the collateral line, it takes place only in favor of the children of brothers or sisters, whether they be of the full or half blood.”
Kaugnay nito, inilahad ng Korte Suprema, sa pamamagitan ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Emilio A. Gancayco, sa kaso ng Intestate Estate of Petra vs. Rosales, Irenea C. Rosales, v. Fortunato Rosales et al. (G.R. No. L-40789, 27 February 1987) na:
“The aforesaid provision of law refers to the estate of the deceased spouse in which case the surviving spouse (widow or widower) is a compulsory heir. It does not apply to the estate of a parent-in-law.
Indeed, the surviving spouse is considered a third person as regards the estate of the parent-in-law. We had occasion to make this observation in Lachenal v. Salas, to Wit:
We hold that the title to the fishing boat should be determined in Civil Case No. 3597 (not in the intestate proceeding) because it affects the lessee thereof, Lope L. Leoncio, the decedent’s son-in-law, who, although married to his daughter or compulsory heir, is nevertheless a third person with respect to his estate. ... xxx”
Sa iyong sitwasyon, may karapatan ang iyong kapatid sa ama na magmana mula sa inyong ama. Sa kadahilanang siya ay naunang pumanaw, ang kanyang anak ang magmamana ng kanyang bahagi sa pamamagitan ng karapatan ng representasyon.
Subalit, ang asawa ng kapatid mo sa ama ay walang karapatan sa mana sapagkat ang karapatan ng representasyon ay tumutukoy lamang sa direktang pababa na mga kamag-anak tulad ng anak at apo. Hindi sakop ng nasabing karapatan ang asawa ng kapatid mo sa ama, alinsunod sa paliwanag na inilahad ng Korte Suprema sa nabanggit na kaso.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.




Dear Atty.Acosta
May naiwan na lupa ang lolo namin hindi namin alam na mag pamilya sa matagal na panahon at meron tumira alam nila hindi sa kanila at meron ito nag mamay.ari at nalaman namin may lupa ang lolo namin sa lugar na yan may nakapagsabi at check namin sa office of assessor sa bayan nakakasakop sa lugar saan ang lupa doon namin nakita ang tax declaration sa pangalan ng lolo namin at inasikaso agad namin bayaran lahat ng tax pra mai.apply namin ng titulo subalit ang nag posesyon nakatira sa lupa inaangkin na nila sa kanila na daw ang lupa dahil matagal na sila nakatira.may karapatan ba kami atty. mag claim sa lupa bilang may ari