Todo-dakdak sa isyung pulitika… AGOT, BIANCA, DINGDONG ATBP. ATENISTA, TAMEME SA KAHIHIYAN NG ATENEO SA PAGKAMATAY NG 2 PLAYERS
- BULGAR

- 3 hours ago
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | june 12, 2026

Photo: IG _agotisidro, _iamsuperbianca _dongdantes
“Nasaan ang ingay ng mga mayayabang na Ateneo graduates d’yan? Bakit tahimik sila at tila walang anumang sinasabi sa kontrobersiyal na pagkasawi ng dalawang basketball players ng school nila?” ang makahulugan at tila may paghahamon na usapan sa isang socmed (social media) thread.
Matatandaang sa pagkalunod ni Rene Clert Baterbonia at ng Nigerian na si Divine Adili ay wala pa ring anumang malinaw na pahayag ang management ng Ateneo de Manila University (ADMU) maliban na lang sa mga naglalabasang imbestigasyon ng Aurora police.
Nag-viral at pinag-usapan nga ang insidenteng naglagay sa naturang top school sa kahihiyan, at damay na ang mga ‘graduates o alumni’ nitong sobrang maingay sa isyung pulitikal at pagpuna sa gobyerno, subali’t nakapagtataka raw na tahimik ngayon?
Sa naturang post ay minention nga ang mga names nina Agot Isidro, Bianca Gonzalez, Dingdong Dantes, Robi Domingo, Ryan Agoncillo, Janine Gutierrez, at ilan pang lagi na lang daw may pagkuda sa mga nangyayari sa bansa at sa ilang lider na hindi nila gusto, pero ngayong tila sumabog at nabulgar sa mundo ang malaking kahihiyan na naidulot sa imahe ng school bilang premiere sectarian at may world-class facilities at sistema, mapa-sports at academe man, bakit daw tila umurong ang mga dila ng mga ito at hindi nila makondena ang ‘kawalan’ kung hindi man ‘kakulangan’ ng aksiyon ng university sa insidente?
“Nasaan ang mga gaya nina Sen. Bam Aquino, sina Kris (Aquino) at Lea (Salonga) na pawang proud Ateneans? Nasaan ang mga puso nila sa ganitong pagkakataon?” sunud-sunod na tanong ng mga netizens na sobrang nahabag sa sinapit ng dalawang players lalo na ang taga-probinsiya at laki sa hirap na si Baterbonia.
Curious din kami, mga Ka-BULGAR.
Pambato sa Mister Supranational 2024 at Mister Global 2025… BRANDON AT JETHER, NAGYABANG NA ‘DI MANANALO ANG ‘PINAS KUNG ‘DI DAHIL SA KANILA, KINUYOG
MEANWHILE, matinding bashing din ang inabot ng mga ‘halfies’ na sina Brandon Espiritu at Jether Palomo nang dahil sa tila naging iresponsableng palitan nila ng message sa kanilang Instagram (IG) accounts.
Naging kinatawan ng Pilipinas sa Mister Supranational 2024 na ginanap sa Poland si Brandon Espiritu at nagtapos bilang second runner-up. Samantala, si Jether Palomo naman ang lumaban sa Mister Global 2025 na ginanap sa Thailand, kung saan nakapasok siya sa Top 11.
Nagsimula ang isyu nang punahin ng isang beaucon fan kung bakit hindi Pinoy song ang kanilang kinanta na naging isang katuwaan sa socmed (social media) at sumagot naman si Palomo na, “Because we’re not from the Philippines. Why would we lie?” sabay pagmamalaki pang “Raise that flag, brother (US flag),” comment kay Espiritu.
“Then you should have represented your country,” ganting tugon ng nasabing fan na hiniritan naman ni Espiritu ng sagot na, “Tell that to all the frontrunners for [sic] the Philippines. This country wouldn’t have a chance on the national [sic] stage without us ‘halfies.’”
Doon na kinuyog at tinawag ng kung anu-ano ang dalawa gaya ng mga salitang “entitled,” “mayayabang,” “mga mukhang kargador na nag-i-English lang,” “bumalik na sa USA,” “nagkaroon lang ng career dito dahil sa beaucon,” etc..
Hanggang ang mga tulad nina Michael Cinco, Kirk Bondad, Gazini Ganados at iba pang may mga lahi na kilalang celebrities ay nakisali na rin at pinangaralan ang dalawa.
Burado na ang naturang convo messages at humingi na ng magkahiwalay na apology ang dalawa.
“The damage has been done. ‘Wag silang magmalaki at magyabang dahil mga mukha naman silang… Nagkaroon lang ng name sa ‘Pinas ay umaasta na bilang big stars? Hello?” sambit ng isang netizen na dismayado sa dalawa.





Comments