top of page

Ammunition factory ng Amerika, banta sa kalayaan ng bansa, dapat tanggihan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 17 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | March 24, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


KAY VP SARA NAGBU-BOOMERANG MGA FAKE NEWS NG DDS VLOGGERS – Nag-boomerang kay Vice President Sara Duterte ang kumakalat na mga fake news na ipinapalaganap ng ilang Duterte Diehard Supporters (DDS) kaugnay ng giyera sa Middle East at oil crisis.


Kabilang dito ang maling ulat na umano’y nagpadala si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte, sa tulong ng China, ng mga eroplano sa Dubai upang sunduin ang mga overseas Filipino workers (OFWs). Pati na rin ang pahayag na umano’y nakapag-angkat ang Davao City ng bilyun-bilyong pisong halaga ng langis mula sa Brunei.


Dahil sa mga ganitong mapanlinlang na balita, si VP Sara ang nasasangkot at naaapektuhan sa halip na ang mga nagpapakalat nito. Kaya’t mahalagang paalalahanan ang mga DDS vloggers na itigil ang pagpapakalat ng fake news, dahil sa huli, ang kredibilidad at reputasyon ni VP Sara ang nagiging biktima nito. Boom!


XXX


DAPAT MAGKAISA ANG KAMARA AT SENADO NA MANAWAGAN KAY PBBM NA I-REJECT ANG ALOK NG AMERIKA NA MAGTAYO NG AMMUNITION FACTORY SA ‘PINAS – Nanawagan ang Makabayan bloc na kinabibilangan nina ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio, Gabriela Women’s party-list Rep. Sarah Elago, at Kabataan party-list Rep. Renee Co kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tanggihan ang alok ng Estados Unidos na magtayo ng pabrika ng bala para sa armas sa Pilipinas.


Hinimok din nila ang iba pang mga kongresista at senador na suportahan ang kanilang panawagan. Ayon sa kanila, dapat pag-isipang mabuti ang usaping ito dahil may implikasyon ito sa seguridad at soberanya ng bansa. Naku po!


XXX


HINDI KATANGGAP-TANGGAP ANG TIGIL-PASADA NG MGA JEEPNEY DRIVERS ORGANIZATIONS – Hindi katanggap-tanggap sa publiko ang panibagong dalawang araw na tigil-pasada sa Marso 26 at 27 na inihayag ng ilang organisasyon ng mga jeepney drivers.


Ang naturang protesta ay kaugnay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo at sa hindi pag-apruba ng administrasyong Marcos sa hiling na dagdag-pasahe. Gayunman, iginiit na ang pagtaas ng presyo ng langis ay hindi direktang dulot ng pamahalaan, kundi ng

mga pandaigdigang pangyayari tulad ng tensyon at digmaan sa Middle East.


Sa usapin naman ng fare hike, may naipagkaloob na ring fuel subsidy na nagkakahalaga ng P5,000 para sa mga apektadong tsuper. Binibigyang-diin din na ang anumang pagtaas ng pasahe ay higit na makaaapekto sa mga pasahero, lalo na sa mga commuter.


Sa gitna ng krisis, mas mainam na unahin ang pakikipagdayalogo sa pamahalaan kaysa magsagawa ng tigil-pasada upang mapag-usapan ang mga nararapat na solusyon. Period!


XXX


DAPAT GISAHIN NG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE SINA ADRIAN BERSAMIN AT TRYGVE OLAIVAR KUNG KAILAN NILA IDINILIBER ANG KICKBACK SA FLOOD CONTROL PROJECTS – Sa testimonya noon ni former Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Roberto Bernardo sa Senate Blue Ribbon Committee ay sinabi niyang nagpa-deliver siya ng multi-billion peso kickback sa noo'y Usec. Adrian Bersamin ng Presidential Legislative Liaison Officer at noo'y Department of Education (DepEd) Usec. Trygve Olaivar.


Sa ipapatawag na hearing uli ni Sen. Ping Lacson sa Senate Blue Ribbon Committee ay dapat ipatawag uli at gisahin nang todo sina Bersamin at Olaivar para malaman kung kanino nila idiniliber ang sinasabi ni Bernardo na kickback sa flood control project na kanilang tinanggap. Boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page