top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Aminadong walang 'K'... ANGELINE, INALOK MAG-KONSEHAL SA MAYNILA, UMAYAW

BULGAR
Oct 12, 2021
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 12, 2021



Isa rin pala si Angeline Quinto sa mga artistang inalok na tumakbo ngayong 2022 national elections.


Nakausap namin si Angeline kagabi sa Zoom mediacon ng kanyang upcoming virtual concert titled 10Q na magsisimula sa Oct. 29, 2021 at magtatapos sa Feb. 19, 2022 sa MET Theater, at naitanong nga namin sa singer-actress kung nakatanggap din ba siya ng offer, since ang mga kapwa niya celebrities ay isa-isang naglabasan para mag-file ng COC.


Pag-amin ni Angge (palayaw ni Angeline), noon pa man daw, mga 2 yrs. ago, inalok na siya para tumakbong konsehal ng Maynila. Buhay pa raw noon ang kanyang Mama Bob na nagsabi sa kanyang 'wag nang pasukin ang pulitika dahil hindi naman niya linya 'yan at hindi siya handa.


Bagama't sinabi ni Angeline na gusto rin niyang makatulong, aminado siyang wala siyang kakayahan, kaalaman at karanasan para maging konsehal.


Kaya naman okay na sa kanya ang makapagpasaya lang ng kanyang mga fans sa pamamagitan ng paghahatid ng total entertainment sa gaganapin niyang 10-part concert, na ang pramis ni Angeline, every episode ay iba-iba ang magiging special guests niya at pati ang mga line-up of songs.


Tuwang-tuwa ngang ibinalita ni Angeline na for the first time, makaka-collaborate na niya ang matagal na niyang idol na si Asia's Songbird Regine Velasquez at dito nga lang mangyayari 'yan sa 10Q na 10th anniversary celebration ni Angeline dahil 10 yrs. na rin siya sa showbiz!


Si Megastar Sharon Cuneta na isa sa mahahalagang tao na parte ng showbiz career ni Angeline dahil sa reality singing search show nito nag-umpisa si Angge ay hindi pa raw sure kung kelan makakasama sa 10-part concert ni Angeline, pero hopefully daw ay maayos na ang sked nito before matapos ang taon para makapag-guest din sa 10Q.


Ilan pa sa mga special guests na nabanggit ni Angeline ay sina Luis Manzano at Andrew E.


Since 10th anniv celebration nga ito ni Angeline, marami raw siyang pasabog at surprises sa kanyang mga fans na manonood ng concert.


Isa na nga rito ang 'jowa reveal' ng magaling na biriterang singer sa kanyang non-showbiz boyfriend for one year na.


Kinikilig na pramis ni Angge, ipapakilala na niya ang nagpapasaya sa kanyang puso sa kanyang 10Q concert.


Na-hurt ang mga AngErik fans (Angeline-Erik Santos) na nanonood ng live mediacon sa Facebook page sa naging pag-amin ni Angge na may 1 year boyfriend na siya.


Kaya ang message naman ni Angge sa mga fans nila ni Erik, "Sobrang mahal namin ni Erik Santos 'yan (mga fans). Lagi naman naming pinag-uusapan, alam din naman ng mga tao na siguro, kung 'di man nag-work 'yung sa amin before, may dahilan naman ang bawat isa, pero never nagkaroon sa amin ni Erik ng samaan ng loob.


"Walang samaan ng loob, sobrang okay kami ni Erik," sabi pa ni Angeline na siniguradong tanggap na tanggap daw ng singer na may karelasyon na siya ngayon.


Well, mas exciting siguro kung ige-guest ni Angge si Erik Santos sa 10Q at makaka-face-to-face nito ang boyfriend ngayon ni Angeline!


Hala, THIS IS THE MOMENT!!!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page