ALJUR, INILALAPIT NA ANG 2 ANAK KAY AJ AT SA PAMILYA
- BULGAR
- Nov 4, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | November 4, 2023

Nag-bonding si Aljur Abrenica at ang ama ng girlfriend niyang si AJ Raval, ang actor na si Jeric Raval.
Sa Instagram Story ng sexy actress, makikitang magkasama ang dalawang aktor with AJ around.
Makikita naman sa background ang panganay na anak ni Aljur sa estranged wife na si Kylie Padilla, si Alas Joaquin.

Base sa viral picture, Aljur seemed to be relaxing by playing with Lego, probably with his kids, bagama't hindi makikita ang bunsong si Axl Romeo sa larawan.
Patunay lang ito na inilalapit ni Aljur ang dalawang anak sa kanyang girlfriend at sa pamilya ni AJ.





Comments