ALEX, PROUD NA IPINAKITA SA SOCMED ANG POGING ANAK NILA NI MIKEE
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | September 4, 2026

Photo: IG _cathygonzaga
Ipinakita na ni Alex Gonzaga ang mukha ng firstborn nila ni Mikee Morada sa publiko.
Pagkatapos ipanganak ni Alex ang sanggol noong August 27, opisyal nilang ipinakilala ang kanilang ‘bundle of joy’ sa pamamagitan ng isang Instagram (IG) reel noong Miyerkules ng gabi, September 2.
Natuwa ang mga netizens sa pagpapasilip ni Alex sa baby boy nila ni Mikee. Mabuti pa raw ang aktres-vlogger ay agad na ishinare ang hitsura ng baby boy nila, hindi gaya ng ibang celebrities.
Feeling proud siyempre si Alex na i-share sa mundo kung gaano kaguwapo ang baby nila ni Mikee at kung gaano kabuti ang Diyos sa buhay ng kanilang pamilya.
Labis ang pasasalamat ng mag-asawa sa Panginoon matapos ang pinagdaanan nilang tatlong miscarriage. Kaya dapat lang na ipagmalaki at hindi ipagkait ni Alex ang hitsura ng kanyang firstborn child.
Mapapanood sa reel na ipinost ni Alex ang ospital kung saan siya nanganak, pati na ang pagbe-breastfeed niya sa kanyang little baby boy.
Hanggang sa unti-unti na ang pa-big reveal ni Alex ng hitsura ng anak nila ni Mikee. And towards the end ng video, ayun na si Baby Boy Morada.
Caption ni Alex sa kanyang latest IG post: “Now there are three of us, with our very own little baby boy.”
Dagsa ang pagbati kina Alex at Mikee from their celebrity friends tulad nina Luis Manzano, Mariel Rodriguez, Iya Villania, Bea Borres, Carla Abellana at Vina Morales.
May nag-comment na kamukha raw ni Mikee ang first baby nila ni Alex.
Sa latest IG Story ni Alex, makikita ang kinuha nilang house cleaning service bago pa nila iuwi ang kanilang anak.
By this time, maaaring nakauwi na ang pamilya Morada sa kanilang home sweet home.
Mga co-hosts sa It’s Showtime, nakiramay…
MADIR NI JACKIE, PUMANAW NA
NAGDADALAMHATI ang It’s Showtime (IS) host na si Jackie Gonzaga sa pagpanaw ng kanyang ina na si Luisa.
Ipinost ni Jackie ang mga larawan at video niya kasama ang ina habang nasa loob ng hospital.
Caption ni Jackie: “Pinakamatatag. Pinakamaganda. Pinakamapagmahal. Mahal na mahal kita ng sobra-sobra, Mommy ko! I love you forever!”
Ramdam ng IG followers ni Jackie ang sakit na nararamdaman niya sa pagyao ng kanyang ina. May mga nag-upload pa ng videos ni Jackie kasama ang kanyang nanay during their travel vacations.
Sey ng isang fan, “Almost 40 days from now, birthday n’ya grabe, sobrang sakit nito for Jackie. Thinking about how when she was dealing with something 2 years ago, ‘yung pag-spend n’ya ng time n’ya with her mommy helped her to heal and get through it. She was her safe space and now, wala na ‘yung safe space na ‘yun.
“No words can ease this kind of pain, but I’m sending endless prayers and strength to you and your family, @jackiegirlg. Take all the time you need to grieve. Pakatatag ka palagi. Rest in paradise, Mommy Luisa.”
Siyempre pa, nagparamdam ng kanilang pakikidalamhati kay Jackie ang mga kasama niyang hosts sa IS.
“My heart breaks with yours. Big hug,” sabi ni Anne Curtis.
Mensahe ni Ogie Alcasid, “Nakikiramay, Jackie. Yakap nang mahigpit.”
“Please be strong, Jackie! (prayer emoji),” dasal ni Vhong Navarro.
“Thank you so much, Mommy. Mami-miss ko ang pasalubong ko na avocado. Love you,” banggit ni Amy Perez-Castillo.
‘Yun na.





Comments