ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 6, 2024
Photo: Neri Miranda at Rufa Mae Quinto - IG
No appearance ang singer na si Chito Miranda sa ginanap na Awit Awards sa Music Museum last Wednesday.
Binigyan ng Lifetime Achievement award ang bandang Parokya ni Edgar sa Awit Awards, pero wala nga ang bokalistang si Chito.
Sa speech ng isa sa mga members ng Parokya ni Edgar ay binanggit ang non-appearance ni Chito that night. Hindi raw ito nakarating dahil alam naman ng marami na meron itong pinagdaraanan sa kanyang personal life.
Si Chito ay mister ng celebrity/businesswoman na si Neri Naig na nahaharap sa malaking estafa scandal. We heard na nakapagpiyansa raw ng milyong piso si Neri kaya nakalabas na ng kulungan at sa ospital.
Nabalitang dinala raw si Neri sa ospital for a medical checkup routine sa isang city jail sa Pasay City. May nakapagsabi rin sa amin na sobra raw ang ipinayat ni Neri ngayon.
Samantala, ang isa pang celebrity na nasangkot din sa iskandalong estafa na si Rufa Mae Quinto ay may post sa kanyang Facebook (FB) account na nagpapahiwatig ng estado ng nakaambang arrest warrant sa kanya.
Mensahe ni Rufa, “‘Yun na nga, tapos na! (praying emoji) Amen.”
Hopefully, tapos na talaga at wala nang ibang madawit pa. Although, may nakakarating sa amin na may isa pa raw female celeb ang sabit sa iskandalong sinapit nina Neri Naig at Rufa Mae Quinto.
Naku, sino naman kaya siya?
Isang himala para kay David Ezra ang mapasama sa musical film na Isang Himala (IH) sa direksiyon ni Pepe Diokno na ipapalabas sa December 25.
“I play the role of Orly (photographer). Getting the role mismo is a miracle (for me). Kasi ‘yung Himala, The Musical ni Vincent de Jesus, ‘yung legacy n’ya sa ‘kin is 20 years. ‘Yung original staging noon, ‘yung role ni Bituin Escalante was played by Mom (Dulce),” pahayag ni David sa grand mediacon ng Isang Himala.
That time, niyaya raw siya ng kanyang ina na si Dulce na manood ng Himala, The Musical (HTM) sa CCP (Cultural Center of the Philippines).
“I was 15 years old, nu’ng high school ako. Hindi pa ako kumakanta noon or hindi pa ako nakakapanood ng kahit na anong play. Tapos nu’ng napanood ko s’ya, ‘yung ginawa pa ni May Bayot nu’ng time na ‘yun, sina Isay Alvarez ‘yan. ‘Yung gumanap sa original play ay si Dulce. Dulce is my mom.
“Tapos, fast forward, ten years. Nu’ng ini-stage nila ‘yung 10th anniversary concert, napanood ko si OJ Mariano as Orly. Nu’ng time na ‘yun, kumakanta na ako. Tapos nu’ng napanood ko siya (OJ), sabi ko, ‘Isa ito sa mga roles na gusto kong gawin sa buhay ko kung kailan man ‘yun,” kuwento niya.
And then, five years after, nag-audition si David sa HTM. Dito na nagkaroon ng katuparan ang kanyang pangarap. Kaya itinuturing ni David Ezra na isang himala para sa kanya ang pagkakasama niya sa musical film na Isang Himala.