Alam na alam daw niyang 'di bading ang anak kay Kris… JAMES: LALAKI SI BIMBY!
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | May 02, 2021

Sa lahat ng naging laban ng bunsong anak ni Kris Aquino na si James Carlos Aquino Yap, Jr. o mas kilala bilang si Bimby ay wala sa eksena ang basketbolistang tatay nitong si James Yap dahil pakiwari nito ay kayang-kaya na ng ex-wife niya na ipagtanggol ang anak nila.
Bagay na ginawa naman talaga ni Kris simula noon hanggang ngayon. Pero itong huling isyung ibinabato ng mga netizens kay Bimby ay sobrang foul, dahil ang pagkalalaki na nito ang kinukuwestiyon kahit na ilang beses na itong ipinaliwanag ng Queen of Social Media.
Gumawa ng vlog ang mag-ina ilang araw pagkatapos ng 14th birthday ni Bimby at isa sa mga napag-usapan nila ang sexual preference ng binatilyo na sinagot naman nitong, “I’m straight as an arrow!”
At sa pagkakataong ito ay nagsalita na si James para sa anak sa kaibigan nitong veteran columnist na si Dolly Ann Carvajal sa Inquirer na lumabas nitong Sabado, Mayo 1.
Kuwento ni Dolly na sagot ng basketbolista sa kanya, “In one of our convos, I asked him how he feels that some netizens are insisting that Bimby, his son with Kris Aquino, is gay. With James’ permission, I am printing his reply almost verbatim:
“I’ve been quiet about the issue that Bimby is supposedly gay. Because I know for sure that he is not gay. I don’t believe in gossip. I was with Bimby till he turned 7, that’s why I know he’s a real boy. Because even when a kid is still young, it’s already obvious if he’s gay. I understand Kris. Bimby grew up with her, so of course she reacted to the issue.”
Sumang-ayon ang katotong Dolly Ann, “Since I have a gay son, IC Mendoza, I get “migo” James’ drift. Long before IC “came out” to me, I already knew he was gay. That’s what a parent’s gut feeling can do.”





Comments