top of page
LET’S SEE - MIKA AT WILL, BUKING NA LUMIPAD PA-HK_Reddit.png

Alam din ni Robin — Matibag... Pinagtataguan ni Bato, tuloy na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 50 minutes ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | May 19, 2026



Mel Matibag, Robin Padilla at Ronald Bato Dela Rosa - NBI - Senate PH - FB

Photo: Mel Matibag, Robin Padilla at Ronald Bato Dela Rosa - NBI - Senate PH - FB



Tukoy nana umano ng National Bureau of Investigation (NBI), ang pinagtataguan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ngunit tumangging magbigay ng detalye dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.


“Mahirap naman po mag-announce na nandirito siya kasi people try to speculate,” pahayag ni NBI Director Melvin Matibag sa MACHRA Balitaan' ng Manila City Hall Reporters' Association (MACHRA) sa Harbor View Restaurant sa Maynila.


“Marami pong lead na binigay, but we have a lead kung nasaan talaga pero in the meantime we will suspend ‘yung announcement kung nasaan talaga siya.”


Ayon kay Matibag, kung may taong posibleng nakaaalam din sa kinaroroonan ni Dela Rosa ay walang iba kundi si Sen. Robinhood Padilla.


Una rito, sinabi ni Padilla na nagtago si Dela Rosa mula sa hinihinalang kidnapper kaya umalis sa Senado noong Mayo 14. Tumanggi naman si Padilla na sagutin kung tinulungan niya si Dela Rosa na umalis sa Senado noong nakaraang Huwebes, sa gitna ng mga alegasyong magkasama silang umalis.


Kaugnay nito, hinimok ni Matibag Dela Rosa na harapin ang legal na proseso at tumugon sa arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court.


“Galing siya sa law enforcement… it's better na harapin niya ‘yung warrant niya, mag-submit siya. Harapin niya ‘yung kanyang pananagutan sa batas,” diin ni Matibag.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page