top of page
Search

ni Marish Rivera @News | Apr. 26, 2025



File Photo: Bato sa ICC - Sen. Bato Dela Rosa / ICC / FB


Handa umano si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na humarap sa The Hague, Netherlands sakaling mag-issue ang International Criminal Court (ICC) ng warrant of arrest laban sa kanya dahil sa pagpapatupad ng madugong war on drugs noong Duterte Administration, kinumipirma niya ito sa grand rally ng PDP Laban sa Iloilo City nitong Biyernes, April 25.


“Anong magagawa ko kung ayan ang kapalaran ko? Basta ang importante, nagawa ko ang dapat gawin habang ako ay buhay dito sa mundo. Ginawa ko ‘yung war on drugs, ginawa namin ang lahat,” saad ni Bato.


Dagdag pa niya, handa siyang pumunta anytime, “Ang buhay ko’y nakataya na, naka-kasa na. Anytime, pwede akong mamalasin dahil sa aking adbokasiya na ito. Pero never si Bato aatras sa laban na ito, I tell you.”


 
 

ni Angela Fernando @News | Oct. 12, 2024



Photo: Rodrigo Duterte at Ronald Bato Dela Rosa - FB


Maaaring humarap sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa mga pagdinig ng Quad Committee ng House of Representatives kaugnay ng mga ilegal na Philippine offshore gaming operators (POGOs) at mga extrajudicial killings sa ilalim ng war on drugs ng nagdaang administrasyon.


Kinumpirma ito ni House QuadComm co-chair at Manila 6th District Rep. Benny Abante nang matanong kung pinag-iisipan ng mega panel na imbitahan si Duterte sa kanilang pagdinig.


Ito ay matapos ang mahigit sa isang araw na pagdinig ng QuadComm, na nagsimula nu'ng Biyernes ng umaga at nagtapos ng madaling araw ng Sabado, kung saan ibinunyag ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garma na dati siyang inatasan ni Duterte na maghanap ng opisyal na magpapatupad sa 'Pinas ng “Davao model” ng kampanya kontra droga, na nagbibigay ng reward sa pagpatay ng mga hinihinalang sangkot at may kinalaman sa droga.

 
 

Fni Angela Fernando - Trainee @News | November 27, 2023




Binigyang diin ni Sen. Ronald "Bato" dela Rosa na dapat humingi muna ang 'Pinas ng pag-apruba sa Senado bago muling papasukin ang International Criminal Court (ICC) sa bansa.


Ayon kay Bato, dadaan pa ito sa mahabang proseso, matapos ang pagpapatibay ng pangulo ay kailangan pa nitong dumaan sa botohan sa Senado.


Dagdag niya, ang hindi pagsunod sa proseso ay labag sa konstitusyon.


"The Senate is composed of 24 independent republics. Nobody can dictate these 24 independent republics sa isang — one stroke mapa-oo mo, mahirap," ani Dela Rosa.


Ito ay matapos sabihin ni President Bongbong Marcos Jr. kamakailan na sinusuri ng 'Pinas ang posibleng pagbabalik sa International Criminal Court, na nag-iimbestiga sa kampanya laban sa droga ng administrasyong Duterte.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page